Luigi, hangang-hanga kay Lani at never na-feel na unwelcome sa pamilya

Ni: Rose Garcia

OKAY palang kausap si Luigi Revilla na isa sa mga bida ng trilogy movie ng comebacking film outfit na Imus Productions, ang Tres kunsaan, siya ang bida sa ‘Amats’.

Matagal na nabakante si Luigi sa pag-arte, pero siyempre, hindi ito nakatanggi nang ang papa na raw nila na si Bong Revilla ang nagsabi na magbibida nga sila ng mga kapatid na sina Bryan at Jolo Revilla sa Tres na showing na sa October 3.

Bukod kay Myrtle Sarrosa, si Assunta de Rossi raw ang naka-love scene niya rito at naka-devirginize sa kanya. Natawa na lang si Luigi dahil dati, si Assunta ay naging leading lady na ng ama.

luigi revilla

May asawa at anak na si Luigi. Pero hindi raw ibig sabihin na mas seryoso siya sa mga kapatid pagdating sa babae.

Aniya, “Nagkataon lang na siguro ako, sinuwerte talaga na nakilala ko na agad yung para sa akin. Ganun lang yun.”

Thankful si Luigi na kahit daw half-brother lang siya ng mga kapatid, solid ang closeness niya sa mga ito at hindi niya naramdaman na hindi siya kapatid na buo.

Kahit daw si Tita Lani Mercado niya, mabait sa kanya at gayundin sa misis niya. In fact, parang tunay na anak din daw ang turing sa kanila ni Lani.

Lani Mercado

Sey ni Luigi, “When I first went to Alabang [Revilla residence] parang never kong na-feel na I was unwelcome.

“From Day 1 talaga, I’m sure, kahit papaano, masakit yun kay Tita Lani, you cannot deny na, siyempre, may anak si Papa sa labas. Pero grabe, bilib ako sa pag-handle niya ng situation dahil she never made me feel na I was out of place, especially when I visit. Siya pa yung nagpapakain sa akin.

“I love Tita Lani. I see her as my second mom.”

Okay rin daw ang mommy niya at si Lani. The way Luigi spoke, makikita mo talaga na very grateful ito.

Sey pa niya, “I’m just really happy and blessed that she and my siblings accepted me to the family.

“Ngayon, sobrang close kami.”

Anyway, physically ay pinaghandaan daw ni Luigi at gayundin nina Bryan at Jolo ang movie nila. Nagpaganda sila ng katawan. Natuwa naman si Luigi nang malaman ang magandang feed back sa acting niya.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s