Glaiza, ipinakilala na ang na-meet na Irish surfer na si David

Ni: Nora V. Calderon

KAPUSO drama actress Glaiza de Castro is now 30 years old, pero ngayon lamang yata siya naging open na ipakilala ang Irish surfer na na-meet niya sa Siargao, si David.

Nagkaroon na rin naman ng boyfriend noon si Glaiza pero tikom ang bibig niya kapag pinag-uusapan iyon.

Nai-feature na si David sa “Chika Minute” last Tuesday evening sa interview kay Glaiza ni Lhar Santiago, sa 24 Oras at hindi naman siya nagdamot ng konting informations tungkol sa surfing instructor from Ireland.

“Na-meet ko siya nang magbakasyon ako sa Siargao at siya ang nagturo sa aking mag-surf,” kuwento ni Glaiza.

“Every now and then, bumabalik siya rito at nagkikita kami.  Aalis ako for London para maghanap ng school na pwede akong mag-aral ng music production.  Magkikita kami roon at gusto rin daw niyang pumasyal ng London.”

glaize dc

Maikli lamang ang kwento ni Glaiza tungkol kay David at pinansin din ang new hairstyle at color ng hair ni Glaiza na kamukha ng color din ng hair ni David.  Ipinaputol daw niya kasi nang maikli at pinakulayan ng bago ang hair niya after ng Contessa na iba’t iba ang color ng hair na ginamit sa kanya.

Kaya naman heto ang ilang comments sa Instagram ni Glaiza: “bagay silang maging magkapatid,” “magkamukha sila, ang cute!” “gandang mix.. bagay .. sarap nitong ipares,” “bagay sila.”

Wait na lang tayo pagbalik ni Glaiza from London kung may bago siyang balita tungkol kay David.

Humingi talaga ng bakasyon si Glaiza sa GMA Network after ng Contessa to rest at mag-aral muna.  Pagbalik niya siguro ay may bago na siyang teleserye.  Bago umalis nag-guest muna siya sa Victor Magtanggol kasama ang mga sang’gre ng Encantadia.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s