Marco, tanggap na siya na ang bagong pinagpapantasyahan; itinangging may mga indecent proposals

Ni:  Rohn Romulo

SI Marco Gumabao na talaga ang newest hunk ng Viva Films na isa sa ng Para sa Broken Hearted na showing na s October 3 na mula sa Viva Films at Sari Sari Films.

Confirmed na si Marco nga siya nga ang bagong cutie hunk na pinagnanasaan ngayon at tanggap na niya ‘yun na magpapakilig din sa kanyang participation sa Abay Babes na showing na ngayon, dahil nakipagsabayan siya sa kaseksihan nina Nathalie Hart, Roxanne Barcelo, Meg Imperial, Kylie Versoza at Cristine Reyes.

Una ngang napansin si Marco sa kanyang daring pictorials para sa isang clothing company at mula noon ay nagkasunod-sunod na ang kanyang sexy pictorials.

Sabi niya, “siguro nga dahil sa ganun, kung ‘yun naman ang bebenta sa ‘yo, use it ‘di ba? Eh, before noon bata bata pa ako at chubby, malayo talaga sa hitsura ko ngayon.

“So, I guess malaking tulong talaga na nagpaganda ako ng katawan.  Pero at the same time ayoko naman siyang gamitin all the time para makuha yung mga roles.

“Ayoko naman na makilala na si Marco Gumabao naghuhubad lang, pero gusto rin makilala na marunong umarte tapos maganda rin yun katawan, parang bonus na lang yun.”

para sa broken hearted

Happy rin siya na nakasama sa cast ng Los Bastardos na magpapainit daw tuwing hapon sa Kapamilya Gold ng ng ABS-CBN, na ikinatuwa niya.

Happy siya na nag-stay sa Kapamilya network dahil noong nawala siya at may mga bali-balitang lilipat na si GMA-7.

Maging sa Viva Films ay sunud-sunod ang movie niya, after ng Abay Babes at Para sa Broken Hearted na mula sa direksyon ni Digo Ricio at ka-partner niya si Shy Carlos, bida rin dito sina Yassi Pressman, Sam Concepcion at Louise delos Reyes, kasama rin siya sa Aurora with Anne Curtis na entry sa 2018 MMFF at siya rin ang napiling i-partner kay Nadine Lustre sa horror film din na Ulan, na malamang sa January 2019 na ang showing.

Sa usaping broken hearted, inamin ni Marco na two years ago pa ang huli niyang relasyon na si Tippy Dos Santos, na one year and six months din ang tinagal.

That time mas pinili niya ang ka-loveteam na si Miles Ocampo, kaya sila nagkalabuan ni Tippy, nagkaroon misunderstanding na nauwi sa hiwalayan.

Pero hindi naman sila naging ni Miles, hanggang loveteam lang talaga sila.

Hindi raw niya niloko si Tippy, dahil ito pa rin ang huli niyang minahal. Grabe raw siyang magmahal, talaga binibigay niya ang lahat.

Kaya payo ng kanyang daddy Dennis Roldan, na magseryoso muna sa work at wag munang mag-girlfriend.  Biniro pa siya nito na magpahabol na lang muna.

Natanong din si Marco sa pagkakaroon ng indecent proposals lalo na sa mga guys.

Pero inamin ni Marco na wala pa raw nagkakaroon ng lakas ng loob na gawin yun, siguro nahihiya daw sa kanya.

Ang natatandaan lang niya ay noong hindi pa ganitong ka-yummy ay meron gustong magbigay ng cellphone, panahon pa ito ng Lab U.

Hindi rin niya kino-consider yun mga nagme-message sa  kanya sa instagram dahil kahit sino naman ay puwedeng gawin.  Pero ‘yung harap-harapan siyang alukin ay hindi pa raw nangyayari.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s