Immortal characters nina Glaiza, Sanya, Kylie at Gabbi, magku-crossover sa ‘Victor Magtanggol’

Ni:  Rose Garcia

PARANG sa totoong buhay, mga immortal ang mga Sangre’s ng Encantadia na sina Glaiza de Castro, Sanya Lopez, Kylie Padilla at Gabbi Garcia.

Aba, hindi namamatay ang mga characters nila dahil every now and then, natatawagan sila at nabubuhay sa ibang serye ng GMA-7.  Positibo naman ang mga nababasa naming komento ng netizen lalo na sa muling pagsasama-sama ng apat.

Special guest ang apat sa primetime series na pinagbibidahan ni Alden Richards na Victor Magtanggol.  Posible naman talagang mag-crossover ang mga Sangre’s dahil sa temang fantaserye, puwedeng-puwede talagang magkaroon ng koneksiyon.

ALDEN9

Bongga rin sina Glaiza, Kylie, Sanya at Gabbi dahil tuloy-tuloy rin ang mga raket nila. Nag-end man ang Contessa ni Glaiza, heto’t may guest appearance siya sa V.M.

Same goes with Sanya and Kylie at si Gabbi na mapapanood muna sa V.M. bago ang nalalapit na pilot ng primetime series niya na Pamilya Roces.

Obvious naman sa mga post ng apat na natuwa ang mga ito sa instant reunion nila.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s