Alex, may boyfriend noon na talagang nahirapan niyang kalimutan

Ni: Nora V. Calderon

PALABAS na ang bagong movie ni Alex Gonzaga na Nakalimutan Ko Nang Kalimutan Ka in cinemas nationwide.

Sa presscon ng movie na produced ng #WilBrosFilms (na isa ring top concert promoter, na ita-try namang mag-produce ng movie), inamin ni Alex na may boyfriend siya noon na talagang nahirapan siyang kalimutan pero ngayon, wala na dahil may bago na siyang boyfriend (businessman Mikee Yambao, for two years) at nakalimutan na niya ang lalaking nagpasama ng loob niya noon.

Sa movie na written and directed by Fifth Solomon, si Alex ay ang broken-hearted na si Jaz Cruz na hindi makalimutan ang ex-boyfriend na gagampanan ng hunk actor na si Vin Abrenica.

alex-gonzaga-mikee

Tuwing maalaala ni Jaz ang past nila ng ex-lover, feeling niya ay humihinto ang mundo niya, kaya kumunsulta siya kay Dr. Rolex (Candy Pangilinan) at naging kasama niya ang best friend niya (Jerald Napoles).

Tiyak na ii-enjoy ng mga moviegoers ang mga eksena ni Jaz na punung-puno ng hugot moments na magpapatawa at magpapaiyak  din sa kanila.  Pero paano nga ba niya malilimutan ang ex-boyfriend kung iyong mga lugar niyang ayaw makita ay doon naman siya dinadala ng best friend niya?

Kaya ang tanong, muli bang nagkabalikan si Jaz at ang dating boyfriend?  Kaya don’t miss kilalanin si Jaz, ang ex-boyfriend niya, ang best friend niya at si Dr. Rolex, kung nabago ba niya ang puso ni Jaz?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s