Alden, walang reklamo kahit pinagsasabay ang taping at preparations sa concert

Ni: Nora V. Calderon

SA Friday, September 21, na ang second major concert ni Pambansang Bae Alden Richards na Alden Adrenaline Rush sa Kia Theatre kaya ang mga well-meaning fans niya, nagtatanong na kung hindi pa raw pagpapahingahin na si Alden sa taping ng kanyang action-drama-fantasy series na Victor Magtanggol.

Sunud-sunod kasi ang taping ni Alden ng serye three times a week na madalas inaabot ng early morning of the next day.

Tulad noong Friday, September 14 na announced na ang pagpasok ng super typhoon na si Ompong sa Northern Luzon, may taping pa rin sina Alden sa Boso-Boso in Antipolo City na inabutan sila ng malakas na ulan at 4:30 AM of Saturday na sila nag-pack-up ng taping.

Kaya ilang oras lamang nakatulog si Alden dahil tumuloy pa siya ng Broadway Studio para sa Eat Bulaga.

alden-until

Pero sabi nga, wala namang reklamo si Alden dahil work niya iyon at nakaka-inspire sa kanya na muli niyang makakasama ang mga fans niya sa concert kaya kapag nakapagpahinga na siya after ng taping, hinaharap naman niya ang pagbi-VTR ng spiels na gagamitin niya sa concert, dance rehearsal at voice rehearsals.

At sa mga behind the scenes (BTS) posts naman ng GMA Records makikitang happy sa ginagawa niya si Alden.

Special guests ni Alden si Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid, Comedy Concert Queen Ai Ai delas Alas, Rodjun Cruz, Betong Sumaya, One Up, Ex-Battalion at may mga surprise guests pa siya.

Ang #AAR ay produced ng GMA Network at GMA Records and sponsored by McDonald’s Philippines, Magnolia Ice Cream, Cebuana Lhullier, Daily Motion and Barangay LS 97.1.

Kasabay na ring iri-release ng GMA Records ang third album ni Alden na Until I See You Again na nagkaroon na ng pre-selling ng limited edition nito last September 7 for both digital and physical copies sa iTunes.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s