Henry Cavill, nagpaalam na bilang ‘Superman’ na ikinalungkot ng DC fans

Ni: Ruel Mendoza

MARAMING DC fans ang nalungkot nang bitiwan na ng aktor na si Henry Cavill ang pagganap bilang ‘Superman’ sa mga future project ng DC Extensive Universe.

Gumanap si Cavill bilang si Superman sa Man of Steel noong 2013; Batman vs. Superman noong 2016 at Justice League in 2017.

Hindi raw naging maganda ang pakikipag-negotiate ni Cavill at ng kanyang mga tauhan with Warner Bros kaya nag-desisyon sila na iwan na ng aktor ang pagganap bilang Superman.

Magkakaroon sana ng cameo role si Cavill as Superman sa upcoming DC film na Shazam! Pero doon na sila nagkaroon ng problema kaya nagpaalam na si Cavill sa kanyang pagganap as Superman.

henry c

Dahil sa maghahanap pa ang Warner ng bagong gaganap na Superman, mag-focus daw muna sila sa isang Supergirl movie.

“Superman is like James Bond, and after a certain run you have to look at new actors. We have a great relationship and great respect for Henry Cavill that continues to remain unchanged. Additionally we have made no current decisions regarding any upcoming Superman films,” ayon pa sa Warner.

Ayon pa sa isang source from Warner, mas pinili raw ni Cavill ang gawin ang isang Netflix series titled The Witcher kaya hindi siya maka-commit sa binigay na schedule sa kanya para sa Shazam! cameo.

Kahit wala raw munang Superman movie, tatlong big DC films ang aabangan. Una ay ang Aquaman with Jason Momoa na may December 2018 release; Wonder Woman 1984 with Gal Gadot in November 2019 at ang The Flash movie with Ezra Miller in early 2019.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s