Heart, double purpose ang pagpunta sa ‘New York Fashion Week 2018’

Ni: Ruel Mendoza

DOUBLE purpose ang pagpunta ni Heart Evangelista-Escudero sa New York Fashion Week 2018.

Hindi lang siya nandoon para mag-attend ng mga fashion shows at makipag-rubbing elbows sa mga fashion icons and designers, kundi para na rin i-promote ang kanyang line of hand-painted clothes and bags.

Sa isang post ni Heart sa IG, suot niya ang isang pleated skirt na may original artwork niya bilang print.

“Taking this skirt out for a test drive 🌷. It’s the most surreal feeling to wear your own work! This is coming very soon.💕#NYFW @iamlovemarie_e.”

heart-evangelista-art-skirt

Wise din si Heart dahil alam niyang makukunan ng maraming photographers ang outfit at purse niya sa mga pupuntahan niyang fashion shows. Kung may magtanong kung sinong designer ang gumawa ng damit, maipo-promote niya ang mga ito effortlessly.

Noong 2014 nagsimula bilang hobby hanggang sa maging passion na ni Heart ang ipaghalo ang kanyang love for the visual arts at fashion.

Sinimulan niya ito sa pagpinta sa isang Birkin Bag niya para matago lang ang stain, hanggang sa makatanggap na siya ng commission work dahil may class ang pag-paint niya sa mga luxury bag.

Noong 2016 ay nakipag-collaborate siya with designer friend Mark Bumgarner para sa line of hand-painted gowns and dresses.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s