Ejay at Lauren, masuwerteng napiling lumabas sa bagong K-drama na ‘Where Stars Land’

Ni:  Rose Garcia

MASUWERTE sina Ejay Falcon at Lauren Young dahil sila ang na-tap ng SBS para lumabas sa isang episode ng bagong Korean drama ng isa sa top three networks sa South Korea.

Ang title ng K-drama na paglalabasan ng dalawa ay Where Stars Land.  Silang dalawa ang Pinoy artists na napili ng SBS.

Ika-apat na araw na nila ngayong nagte-taping at siguradong pag-uwi ni Ejay ay napakarami nitong kuwento dahil obviously, ibang-iba ang nature ng filming sa South Korea kumpara sa paggawa ng teleserye sa bansa.

Araw-araw ang filming nila simula nu’ng dumating sila sa SoKor noong Sabado ng madaling-araw.  Sa Incheon Airport ang kadalasang location ng taping, pero nag-taping din sila sa mismong SBS network.

So far, hindi pa namin alam ang detalye kung paano sina Ejay at Lauren ang nakuha among the Filipino artists sa Where Stars Land. Pero isa lang ang sigurado, malaking oportunidad para sa dalawa na maka-appear sa isang episode ng K-drama na ang maglalabas pa ang major network talaga.

ejay and lee

Ang ilan sa mga naunang nabalita na inalok ng naturang drama ay ang mga kilalang South Korean stars tulad nina Park Shin Hye, Hyun Bin, Park Bo Gum at Bae Suzy, pero ang naging final casting sa dalawang lead stars ay sina Lee Je-hoon (Architecture, Secret Door, Signal, Tomorrow) at ang bida ng I Am Not a Robot na si Chae Soo-bin.

So far, wala pa kaming naaalala na Pinoy artists na umapir sa isang Korean drama. Maraming Pinoy artists na nag-remake na ng mga K-drama o naka-collaborate sa isang Pinoy serye ang Korean artists, pero ang maimbitahan para lumabas sa isang episode ng K-drama ay masasabing sina Ejay at Lauren pa lang.

Sabi nga ni Ejay sa post niya, “Opportunity Unlocked.”

Hanggang sa September 22 pa sina Ejay at Lauren sa South Korea.  So far, araw-araw talaga ang taping nila kaya malamang, walang time na makapasyal man lang ang mga ito.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s