Daniel, nasira ang celebration dahil ‘di valid ang Ph.D. na natanggap sa B.E.S.T.

Ni:ย Ruel Mendoza

NASIRA ang ginawang celebration ng Brazilian-Japanese model-actor na si Daniel Matsunaga dahil ang natanggap pala niyang Ph.D. mula sa Brethen Evangelical School of Theology (BEST) ay hindi pala valid.

Pinost ni Daniel sa Instagram noong nakaraang September 9 ang parang graduation niya mula sa BEST at pagtanggap niya ng Ph.D. in Humanities, major in Social Work.

Sa pinost niyang video on IG ay makikitang masayang-masaya ito at kasama pa niyang nag-celebrate ang kanyang pamilya dito sa Pilipinas.

Heto ang kanyang caption sa kanyang IG post: โ€œI am very honored to be the recipient of such an amazing award. I just want to thank God for everything He has done in my life… also to the executives for believing and trusting me with such a big award.

“To my family who has always been there for me, no matter what the situation, or how big my problems were, they never left me alone. Just got my Doctorate Degree in Humanity Major in Social Work.(Honoris Causa) To God be all the Glory always.”

Pero nakarating sa Commission on Higher Education (CHED) Officer-In-Charge na si J. Prospero de Vera III ang post na ito ni Daniel at pinaalam ng CHED na ang naturang honorary degree ay invalid dahil wala raw permit at credentials ang BEST para magbigay ng Ph.D.

Dagdag pa na report na walang permit ang BEST to operate kaya hindi ito recognized as a higher education institution (HEI).

Only HEIs which have existed for at least 25 years can grant such a degree.

Ibig sabihin nito ay na-violate ng BEST ang CHED Memorandum Order (CMO) No. 19 noong bigyan nila si Daniel ng doctorate degree.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s