Christian, nirerespeto at ayaw pangunahan si Regine sa magiging desisyon sa tsikang lilipat na

By: Nora V. Calderon

MARAMI nang nagtatanong kung totoo raw na aalis na si Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid sa GMA Network kaya sa presscon ng “Kapusong Pinoy: Paskuhan at Kantawanan sa Anaheim,” natanong si Christian Bautista kung nakausap niya si Regine tungkol sa balitang iyon?

Matagal nang magkasama sina Regine at Christian sa kanilang The Clash talent search.  Si Regine as the The Clash host at panel of judges naman sina Christian, Ai Ai delas Alas at Asia’s Nightingale Lani Misalucha. 

Ngayong September ay matatapos na ang The Clash at balitang iyon na raw ang last show ni Regine dahil kahit sa kanyang 5-year cooking show na Sarap Diva, nagpaalam na rin siya at nag-last taping day na.

Christian Bautista Anaheim

Wala pa namang official statement sina Regine at GMA kaya haka-haka nga lamang ang balita.

“Kung nagkausap man kami ni Regs, hindi ko siya tinanong,” sagot ni Christian.

“Kung anuman ang maging desisyon niya, wala akong sasabihin, irirespeto ko iyon.  Tiyak namang kung ano ang desisyon niyang gagawin, para rin sa kanya at sa pamilya niya.  I wish her the best.”

Noon ay may balak na dalhin din ng GMA ang concert nilang 3 Stars 1 Heart na kasama nila si Julie Anne San Jose, matutuloy pa kaya iyon?

regine v

Huli nila ay ang very successful concert sa Dubai last April, 2018.

“Wala pa namang sinabi ang GMA tungkol doon kung matutuloy pa. Hindi ko alam kung itong pre-Christmas show namin ang kapalit noon.  Basta kami ni Julie Anne, mauuna kami sa San Francisco, California for a meet and greet with the fans there, bago kami tutuloy sa Anaheim.”

Ang #KapusongPinoyAnaheim2018 ay magaganap sa October 7, 2018 sa The Grove of Anaheim in Los Angeles, California, kasama nila ni Julie Anne si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera, Philippine Comedy Concert Queen Ai Ai delas Alas at ang “DonEkla” tandem nina Donita Nose at Super Tekla.

Magiging busy pa rin si Christian pagbalik niya mula sa concert nila.  Nakapag-tape na siya ng guest appearance niya sa Victor Magtanggol ni Alden Richards at nagsimula na rin siyang mag-taping ng bagong teleserye sa GMA 7 ang Pamilya Roces na excited siya dahil first time siyang maididirek ni Joel Lamangan.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s