RS, napakahusay nang pagkakaganap bilang Song Liling sa ‘M. Butterfly’; walang takot na nag-frontal nudity

Ni: Rohn Romulo

AFTER 28 years, muli ngang ginampanan ng actor-producer-entrepreneur na RS Francisco ang role na Song Liling sa Tony Award-winning play na sinulat ni David Henry Hwang na M. Butterfly na nagkaroon ng press preview last Wednesday (Sept. 12) sa Maybank Performing Arts Theater, BGC Arts Center, BGC sa Taguig City.

Kagabi naman (Sept. 13) ay naganap ang Gala Opening Night sa Manila staging ng M. Butterfly at simula na today ang regular run magtatagal hanggang September 30.

Eighteen years old pa lang si RS noong lumabas siya sa production ng Dulaang UP ng M. Butterfly noong May 1990 na hindi niya malilimutan.

Ang M. Butterfly ay tungkol sa isang French diplomat na si Rene Gillamard na-in love for 20 years sa isang Chinese opera diva (Song Liling) na hindi niya alam na isang lalake pala.

Inspired ang play sa Giaccomo Puccini’s opera Madame Butterfly at hinalaw din sa mga events surrounding the 1986 espionage trial nina French Diplomat Bernard Boursicot at Shi Pei Pu, na isang opera singer sa Peking.

m butterfly 03

Kasama ni RS sa M. Butterfly sina Lee O’ Brian, Norman McLeod, Mayen Estañero, Rica Nepomuceno, Maya Encila, Pinky Amador, at si Olivier Borten (French Diplomat, René Gallimard)

Ang film version ng play ay pinalabas noong 1993 at pinagbidahan ito ni Jeremy Irons as Gillamard and John Lone as Song Liling at mula naman sa direksyon ni David Cronenberg.

Presented by Tony and Grammy award-winning producer Jhett Tolentino and Frontrow Entertainment, ang Philippine production na ito ay sa ilalim ng award-winning director na si Kanakan Balintagos.

Natuwa naman kami sa panonood ng M. Butterfly, feeling talaga namin ay nakabalik kami sa Broadway, New York na kung saan naranasan namin makapanood ng plays at isa nga roon ang one-man-play ni Hugh Jackman na The River.

Ang sosyal pala ng Maybank Theater na bagay na bagay ang pagpapalabas ng M. Butterfly na ginastusan talaga at pang-world class ang dating na puwedeng ihanay sa mga Broadway plays.

Sa entrance pa lang ay maaaliw ka na sa photo exhibit na tinawag na ‘The Chrysalis’ na nai-showcase ang kahusayan ng Magnificent 7 ng photography world na sina Jun De Leon, Raymund Isaac, Manny Librodo, Mandy Navasero, BJ Pascial, Wig Tysmans, at Patrick Uy.

m butterfly 09

Na kung saan pawang magaganda at pinabongga talaga ang mga costumes na sinuot ni RS na likha naman ni Eric Pineda, na lalong nagpatingkad sa stage play.

For auctioned ang mga photos at 100% ng proceeds sa exhibit ay mapupunta sa charity na personal na pinili ng mga photographers ang kani-kanilang foundation.

Nagsimula na nga ang silent auction sa starting bid na P 50,000 (with three limited edition prints of each Master photographer) at magtatapos  din ito sa Sept. 30. For further information, kindly contact Isha Germentil at 0917-623-3834.

Samantala, napakahusay nang pagkakaganap ni RS bilang Song Liling, babaeng-babae talaga ang kilos niya, pananamit at boses, kaya ‘di kataka-takang magustuhan ang character niya ng isang lalake.

Kakaiba naman ang dating niya nang mag-transform siya bilang isang guy na rakista at tulad nang inaasahan, may frontal nudity si RS, katulad nang ginawa niya 28 years ago.

m butterfly 01

Maiyak-iyak naman si RS sa curtain call, sa lakas ng palakpakan at hiyawan, dahil marami talaga ang nagkagusto ng M. Butterfly, na sulit talagang panoorin lalo na ‘yung mahihilig sa plays.

Ang ticket prices naman sa play ay P2,000 (Zone 1), P1,750 (Zone 2), P1,500 (Zone 3), P1,250 (Zone 4), at P1,000 (Zone 5). 100% of net proceeds will be given to the chosen charities and beneficiaries na kinabibilangan ng Love Yourself Inc., Philippine Stagers Foundation, Teach for the Philippines, Environmental Legal Assistance, Love Lipa Foundation, Habitat for Humanity Philippines, SM Foundation, 1Meal Program, Trip to Quiapo Workshops, Philippine High School for the Arts, Inc., U.P. Samaskom, Philippine Science High School Foundation, Arko ni Apo Gallery, Philippine Animal Welfare Society (PAWS), Animal Rehabilitation Center Quezon City, Love Is All We Need, Dulaang U.P., PAKISAMA, Our Lady of the Miraculous Medal Parish, Calumpang Elementary School at Hope 4 Change

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s