Dingdong, kumpirmadong ‘tatakbo’ kasama si Marian ngayong November

Ni: Nora V. Calderon

“CONFIRMED tatakbo si Dong! Sa #Happiest5k,” post ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa kanyang Instagram.

“Aba syempre ako din, kaya sign up now at www.runrio.co Who’s gonna run with us? #TheColorRunPh.”

Ang tinutukoy pala ni Marian na tatakbo ang asawang si Dingdong Dantes ay sa #TheColorRunPhilippines na “The Color Run Hero Tour” na magaganap sa November 11, 2018, in support sa “I Am Super Campaign” na isa rito na sumusuporta ang GMA Network.

“Calling all Color Runners! Time to gear up again for the #Happiest5k on the planet #YesPinoy #registernow.”

Marami agad sumagot sa panawagan ni Marian @thedongyanatics @marianrivera ah ito pala yung sinasabi mo na tatakbo si Dong! Sagot ni Marian “mismo!” @boobay7 “takbo rin ako loves!!! @yespinoy “kami din sa YesPinoy tatakbo! See you there po!” at marami pang nag-post ng kagustuhan nilang sumali sa pagtakbo.

Hindi pa rin nagsasalita si Dingdong kung ano talaga ang balak niya, kahit si Marian ay hindi naman makapagsalita, hahayaan daw niya ang asawang magsalita kung ano talaga ang plano nito, tagasuporta lamang siya.

dongyan-tcr

Pwede rin kasing nag-iisip pa si Dingdong dahil nagsimula na silang mag-taping ni Dennis Trillo ng Cain at Abel na wala pa namang date of airing ang GMA 7.

Mayroon din siyang movie sa coming Metro Manila Film Festival sa December.  Sa October 3 na ang pagpa-file ng candidacy ng mga gustong tumakbo sa 2019 elections at hindi na sila pwedeng mapanood sa TV or movie kapag pumasok na ang date sa election campaign.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s