Pepe, napakahusay na magpatawa bukod sa galing sa pagkanta

Ni: Rohn Romulo

MAHUSAY pala talagang komedyante si Pepe Herrera na bida sa The Hopeful Romantic na pinalalabas na ngayon sa mga sinehan na mula sa Regal Films.

Isa kami sa unang nakapanood ng funniest romantic film of the season  na dinirek ni Topel Lee sa ginanap na sa celebrity screening sa Trinoma Cinea 5 noong Lunes nang gabi.

Marami nga ang natuwa at humalakhak sa komedyang hatid ni Pepe na gumaganap bilang Jess, na 33 year old Valet Parking Attendant sa The Manila Hotel, na tapat na tao at higit sa lahat certified virgin.

Pinangako niya sa sarili na ibibigay ang sarili kapag nakita na niya ang true love.

Makikilala niya sa ba si Veronica, (Ritz Azul), na kept woman in the high society world. Biktima rin ng circumstances, pero nanatiling survivor. For the ‘first time’ mararanasan ni Jess ang kanyang matagal nang hinihintay, at dahil sa nangyari sa kanila ni Veronica, iisipin niya ito na ang kanyang one true love.

PEPE HERRERA AS JESS

Ang problema lang, hindi alam ni Veronica na nagpapanggap lang niya na mayaman. At dahil sa takot na mabuko siya, ipinagpatuloy niya ang pagpapanggap, pero sa bandang huli ay malalaman din ang kanyang tinatago.

Maluha-luha nga ang tinaguriang sexy comedian sa naging responde ng mga nakapanood, na halos lahat ay positibo at mukhang isinilang na ang bago comedian na mamahalin ng masa na unang nakilala bilang Benny sa FPJ’s Ang Probinsyano, na naging sidekick ni Cardo (Coco Martin) at aminado ito ang biggest break niya sa mainstream showbiz.

Pero bago pa siya naging bahagi ng Ang Probinsyano, una nang nagpakitang gilas ang singer-actor nang makuha niya ang  title role sa much-applauded musical na Rak of Aegis.

Noong 2016, ginawaran niya ng Best Actor para sa mahusay niyang pagganap sa indie movie na Sakaling Hindi Makarating.

Sa The Hopeful Romantic, muling ipinarinig ni Pepe ang maganda niyang tinig, na nagpabighani sa character ni Ritz.

Nagtapos pala siya ng Bachelor of Music in Voice from the Conservatory of Music sa University of Santo Tomas noong 2011 at naging member siya ng well-known choral group na Coro Tomasino.

ra341

After graduation, nag-work agad siya bilang waiter sa cruise ship. At para ma-satisfy ang desire to perform in front of the audience, nag-work din siya bilang singer sa gabi.

“Do’n ko na-realize na gusto kong mag-perform as a singer for a living,” sabi niya sa isang interview na tumagal din ng 10 months.

Tugon pa niya, “From being a waiter, kusa na lang akong bumalik sa pagiging performer hanggang naging full time uli performer.

“Nag-seaman ako pagbalik ditto kumakanta-kanta pa rin pero full time job ko teacher music teacher tapos eventually, naging full-time actor performer ako.”

Nakakuha rin siya ng supporting role sa Enrique Gil-Liza Soberano prime time hit series na Forevermore in 2014, and the rest is history.

For more updates, follow Regal Entertainment Inc on Facebook, @RegalFilms on Twitter, @RegalFilms50 on IG and Regal Cinema channel on YouTube.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s