Marian, tikom na ang bibig sa tungkol sa political plans ni Dingdong

Ni:  Rose Garcia

KUMPARA noong presscon niya sa Canesten na tila kinumpirma na ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera na tatakbo ang mister na si Dingdong Dantes, sa ginanap na presscon naman ng ‘Kapusong Pinoy: Paskuhan at Kantawanan’ sa Anaheim ay tikom na ang bibig nito.

Obviously, prepared na si Marian na matatanong na naman siya tungkol sa mga political plans ni Dingdong, lalo pa nga’t biglang may lumabas na balita na kasama si Dingdong along with Agot Isidro at Jim Paredes sa posibleng mga kandidato ng Liberal Party sa pagka-Senador.

marian_dong

Sabi agad ni Marian, ang asawa na lang daw niya ang sasagot ng lahat ng tanong pagdating sa pulitika.

Wala itong itinanggi at the same time, wala rin namang inamin na tuloy na tuloy na nga ang pagpasok ng mister niya sa mas magulong mundo than showbiz.

Anyway, excited na nga si Marian sa show nila na gagawin sa The Grove of Anaheim, Los Angeles, California kunsaan, makakasama nina sina AiAi delas Alas, Christian Bautista, Julie Anne San Jose at sina Donita Nose at Super Tekla.

Dahil sa show niyang Tadhana mas naging malapit kay Marian ang mga OFW kaya parang maaga na rin daw nilang ipaparamdam sa mga ito ang Paskong Pinoy.

christian-julieann-marian

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s