Katrina, wini-wish na si Jennylyn naman ang susunod na aapihin

Ni:  Rose Garcia

WOULD you believe, ang batch mate niya sa StarStruck at ultimate survivor na si Jennylyn Mercado pala ang gustong maapi naman ni Katrina Halili.

Ang dahilan, si Jennylyn na lang daw ang hindi niya naaapi.

“Hindi pa kami nagsasama. Ang unang sama namin kakatapos lang ng StarStruck, ‘Forever in My Heart’.

Magkalaban kami dun pero batang-bata pa kami nun.

“Ang dami ko ng nakasama, Marian [Rivera], Angel [Locsin], Heart [Evangelista], Yasmien [Kurdi], Carla [Abellana]. Halos lahat na…

“Si Jennylyn na Starstruck pa, ha? Si Jennylyn pa talaga ‘yung hindi ko pa nakakasama.”

jennylyn m

Gusto ba niyang ingudngod si Jennylyn sa isang intense na eksenang awayan kung sakali?

“Hindi naman, pero naiisip ko kasi, parang ang dami ko ng naka… may rivalry ako na kung sino-sinong mga stars… mga big stars ng GMA, di ba? Pero si Jen na kasama ko pa talaga sa StarStruck, kami ‘yung hindi pa nagsasama.”

Kaya wish ni Katrina na mangyari iyon and hopefully nga, pagkatapos na si Megan Young na siyang inaapi-api niya ngayon sa GMA Afternoon Prime na The Stepdaughters.

Tutal malapit ng magtapos on a high rating ang The Stepdaughters at si Jennylyn naman ay wala pa rin balitang bago nitong gagawing teleseye.

So pwede!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s