Sharon, naging emotional dahil hindi nabigyan ng ‘perfect life’ si KC; wish na maging okey pa sila ni Gabby

Ni:  Rohn Romulo

SA part two ng guesting ni Megastar Sharon Cuneta sa Gandang Gabi Vice ni Vice Ganda, para sa promo ng kanyang My 40 Years anniversary concert, naging emosyonal siya nang patugtugin ang “Dear Heart”.

Biglang bumalik kay Sharon noong 15 years old pa siya na nakasakay sa  kabayo at very innocent pa siya.

Hindi na nga napigilan ni Sharon na maluha nang alalahanin ang nangyarisa relasyon nila ni Gabby Concepcion na naiuwi sa hiwalayan, na dahil doon ay hindi niya nabigyan ng ‘perfect life’ si KC.

“Ang masakit sa akin, I could’ve given KC sana, if everything was in my hands, ‘yung kaya kong ayusin lahat, sana perpekto ‘yung buhay ng anak ko. Kaya lang parang idinamay pa namin ‘yung bata.

“So she was born into a situation that she didn’t choose. So I think parang masakit lang.  It’s just happened, which she didn’t deserved,” tugon ni Mega.

shagab-mcdo

Dagdaga pa niya, “ang masakit sa akin talaga, noong nag-asawa kami, ‘yun na lang talaga ‘yung gusto ko, parang feeling ko I found my prince kasi parang fairytale na ‘yung buhay ko, eh. Ito na ‘yung tuldok so wala na akong gusto sa buhay, gusto ko na lang ‘yung buhay ko siya at saka ‘yung bata.”

Ipinaliwanag niya kung bakit siya naging emosyonal, “Bakit ba ako naiiyak, si KC lang po ang na naalala ko, Kasi naiinis ako, perfect dapat ‘yung buhay ko. Napaka-perfect ng childhood ko, tapos hindi ko nabigay sa anak ko ‘yun. Parang two-and-a-half years old, nakita ko ‘yung change kay KC, parang nagkaroon ng wall. Nag-iba ‘yung disposition ng anak ko, na araw-araw dati ay nakangiti, noong naghiwalay kami, nag-iba,” Sharon stated.

Wish ni Sharon sana okey sila ni Gabby.  At ang one question na itatanong niya sa dating asawa ay, “anyare, ‘k na, anyare!”

At ang songs na para kay Gabby ay “Dapat Ka Bang Mahalin?” at “Nakapagtataka.”

Samantala, sa September 28 na ang 40th anniversary concert ni Mega sa Araneta Coliseum.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s