Sarah, kasama uli ni Matteo sa Europe at walang chaperone; mukhang kasalan na ang kasunod

Ni:  Rose Garcia

AT thirty, mukhang ngayon na nga nagsisimulang maranasan ni Sarah Geronimo ang tinatawag na “freedom.”

Pagkatapos nu’ng birthday trip niya kasama si Matteo Guidicelli sa Japan na silang dalawa lang, as in no chaperone si Sarah, heto at spotted ang dalawa noong Lunes, September 9 papuntang Europe.

May nag-post habang nasa Dubai airport sina Sarah at Matteo na posibleng naging stop-over nila papuntang Europe ang Dubai.  Nakatalikod  sina Matteo at Sarah sa picture na naglalabasan ngayon sa social media.

Wala pang detalye tungkol sa trip na ito nina Matteo at Sarah, pero mukhang tulad sa Japan, wala rin silang ibang kasama o chaperone.

sarah matt

Five years na pala ang relasyon nina Matteo at Sarah at marami ang bumabati sa mga ito.  So kung yung Japan ay para sa birthday ni Sarah, ang Europe naman ay para sa anniversary nilang dalawa?

Kahit na feeling  namin, marami ang humahanga sa pagiging sobrang wholesome ng image ni Sarah, halos lahat pa rin ng nababasa naming comments sa pag-alis nilang dalawa papuntang Europe without chaperone ay puro positibo.

Happy ang netizen para kay Sarah at sabi pa ng isa, it’s about time raw na isipin naman ni Sarah ang sarili niya dahil 30 na naman siya.

Hmmm… ‘di kaya ang kasunod ng mga travels na ito ng AshMatt ay kasalan  na?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s