Nathalie, sampung ulit nag-home pregnancy test at pumunta pa ng ospital para masigurong buntis

Ni:  Rose Garcia

SA Australia magpapa-civil wedding si Nathalie Hart sa India raw ang magiging Hindu wedding niya sa fiancée na si “Mayank.”

Ayaw na nitong i-reveal ang apelyido ng Tatay ng anak.  Pero hindi naman daw nangangahulugan na magiging Hindu na rin siya bilang isang Catholic siyang talaga.

“I am just respecting the culture and the religion because my kid will be Hindu, e.  Hindu agad ang anak ko. Pero siyempre, kapag nasa Pilipinas, Catholic din ang anak ko.  Sira-ulo talaga ko ‘no? Ha ha ha!  Pero kapag nandoon siya sa bansa nila, Hindu siya.  Bahala siyang maka-intindi kung ano ang gusto niyang gawin.

“Baliw talaga ko!”

Sa ngayon daw na magiging Nanay na siya, pipiliin na talaga niya ang mga roles na gagawin niya.

“Swimsuit puwede.  Wala pa naman akong ginagawang love scenes ngayon, especially sa pelikulang ito so thank God kung papanoorin niya. Pero yung love scene, hindi na, hindi na ko papayag.  Nakakadiri na. Ayoko na.  And to be honest, it’s not a fun job to do love scene.

“I’ve done it, okay na yun.  Sexy comedy or drama. Family-oriented film. Yung wala kang partner, pero makikita ang kapasidad mo sa acting.”

Abay-Babes-Group-Photo

Dahil hindi alam ni Nathalie na buntis siya noong sinu-shoot niya ang  VIVA Films movie niya na Abay Babes at ipalalabas na sa mga sinehan simula sa September 19, kahit nalaman na niya, tapos na raw silang mag-shooting nang ipaalam niya sa mga co-stars na sina Roxanne Barcelo, Kylie Versoza, Meg Imperial at Cristine Reyes na buntis na nga siya.

“Nagulat sila actually,” sey niya.

“Tapos na ang pelikula noong malaman nila, I didn’t tell them.  Tapos noong sinabi ko na noong nagsisimula na kami, buntis na ko, hindi ko lang alam.  Magtu-two months na noon ko lang nalaman.”

Nakakatawa pa ang kuwento ni Nathalie na nag-home pregnancy test pa raw siya ng sampung beses at lahat daw yun, positive ang resulta.

Pero hindi pa siya naniwala at nagpunta ng hospital, which of course, positive rin ang naging resulta.

“Eh sabi ko, baka negative ‘to sa doctor.  Pagdating ko ro’n, positive nga. Congratulations! Umiyak talaga ko. Kasi, hindi ko alam ang gagawin ko.  Sinabi ko sa partner ko, sinabi ko rin sa nanay ko. Kinakabahan din ako kung ano ang sasabihin ko sa nanay ko.”

Pero obviously, mas lumakas ang loob ni Nathalie nang ang nanay niya na ang nagsabi na walang dahilan para kabahan siya lalo pa nga at siya naman na talaga ang sumusuporta sa sarili niya. Besides, hindi na naman daw siya 18 year old na walang napundar at hindi kaya ang sarili.

A-attend lang ng premiere night ng Abay Babes, then, pupunta na ng India si Nathalie at the end of the month at saka sa Sydney, Australia kunsaan niya ipapangangak ang kanyang baby girl na papangalanan niyang ‘Penelope.’

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s