‘Alpha, The Right to Kill’ ni Direk Brillante, magko-compete sa San Sebastian Film Festival

Ni: Ricky Calderon

IBA talaga ang dating ni Direk Brillante Mendoza.

Ang kanyang latest movie na Alpha, The Right to Kill, ay in competition sa San Sebastian Film Festival. Bukod dito ay may distributor na rin ito sa international market, ang Memento Films International.

Ang tindi nang arrive, ‘di  ba? Hindi pa naman ipinapalabas, may assurance na mapanood ito sa ibang bansa.

alpha-the-right-to-kill

Kabilang sa matinding makakalaban ng Alpha sa nabanggit na A-List film festival ay ang Felix Van Groeningen’s Beautiful Boy kung saan award-winning ang performance na ipinamalas ni Timothee, at ang movie na In Fabric ni Peter Strickland.

Ang Alpha ay tungkol sa war on drugs, na ang kwento ay tungkol sa buhay ng pulis informant na si Elijah at ang corrupt police officer na si Espino. Si Allen Dizon ang gumaganap ng papel ng corrupt na pulis.

Brillante-Mendoza

Ayon kay Allen, nahirapan siya playing the role of the corrupt cop dahil hindi naman siya corrupt.

“Kailangan maging believable ang aking pagganap. Kung ano ang totoo ng damdamin ni Espino, dapat makita iyon ng audience. Hindi lang ito dapat makita kundi maramdaman din Dapat natural ang dating ng acting ko. May freedom naman kami to do what we want sa character pero dapat natural ang acting, hindi pilit,” paliwanag ni Allen.

“Dapat ipakita ko na sanay na sanay ako sa ginagawa ko. So kung kailangan kong pumatay sa eksena, dapat walang alinlangan ‘yun. Dapat parang second skin ko na ang pagpatay. Walang remorse. Kumbaga, trabaho lang, walang personalan.”

alpha-right to kill

Ang aral na natutunan ni Allen pelikula, “Dapat ‘yung kinikita mo, hindi dapat galing sa masama. Pag easy money, madali rin itong mawawala. Mas masarap gastusin ang perang pinaghirapan mong makuha. Yung pinagpawisan mo at talagang nagbanat ka ng buto. Saka ang kasamaan, walang buting maidudulot iyan. Pagbabayaran mo talaga ang kasalanan mo. I will not be surprised kung magagalit ang viewers kay Espino. Baka hindi rin nila maintindihan bakit ganoon siya kasama. Hindi siya dapat tularan o pamarisan,” kwento pa ni Allen about his role.

“Pag mali ang ginagawa mo, and you know na mali ito, huwag mong i-justify na tama ito kasi nakikinabang ka at ang mga taong mahal mo.”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s