Pagpanaw ni Burt Reynolds, muling nagluksa ang Hollywood

Ni: Ruel Mendoza

MULING nagluksa ang Hollywood dahil sa pagpanaw ng isa sa tinaguriang icon at sex symbol noong ’70s and ’80s na si Burt Reynolds.

Sa edad na 82, sumakabilang-buhay si Reynolds sanhi ng cardiac arrest sa isang Florida hospital. Nasa tabi ni Reynolds ang kanyang pamilya noong namaalam siya.

Bago namatay ang aktor, natapos pa nito ang kanyang mga eksena para sa pinakahuling pelikula niya na Once Upon A Time In Hollywood na tungkol sa cult leader at serial killer na si Charles Manson na mula sa direksyon ni Quentin Tarantino.

Two years na raw may problema sa kanyang kalusugan si Reynolds kaya lagi itong may nakaalalay sa kanya. Sa isang public appearance nito, malaki na raw ang ipinayat nito kaya nagkaroon ng concern ang publiko sa kanya.

BurtReynolds

Noong 2013, pinasok siya sa ICU dahil sa isang matinding flu. Pero na-survive niya iyon.

Noong 2014, nag-file for bankruptcy ang aktor kaya napagdesisyunan niyang ipa-auction ang kanyang mga precious memorabilias, kasama rito ang kanyang costumes sa mga pelikulang ginawa niya, painting collection at pati na ang napanalunan niyang Golden Globe award for best supporting actor para sa pelikulang Boogie Nights.

Napag-alaman na despite being one of the highest paid actor noong ’70s and ’80s, ang naging net worth na lang ni Reynolds ay $5 million.

Unang nakilala si Burton Leon Reynolds dahil sa ’60s western series na Gunsmoke.

burt r1

Naging prominent sex symbol ng American cinema si Reynolds noong magbida siya sa pelikulang Deliverance in 1972. That same year ay pumayag siyang mag-pose ng nude sa centerfold ng Cosmopolitan magazine.

Nagbida si Reynolds sa sunud-sunod na box-office hit films na The Longest Yard, Smokey and the Bandit, Cannonball Run, Sharky’s Machine and The Best Little Whorehouse in Texas.

Unang kinasal si Reynolds sa British actress na si Judy Carne in 1963. Nag-divorce sila in 1965. Second marriage ni Burt ay sa actress na si Loni Anderson in 1988. Nag-divorce sila in 1994.

Ang dalawang divorce ng aktor ang naging dahilan kung bakit naubos ang kanyang pera.

Na-link romantically si Burt sa TV host na si Dinah Shore at sa Oscar winner na si Sally Field.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s