Marian, in-stalk sa instagram ng isang modelo; willing makipag-showdown kay Rayver

By: Nora V. Calderon

ISANG Thai model ang kasama ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa shoot niya ng kanyang TV Commercial ang pinaka-latest endorsement niya, ang Canesten na kilalang number one anti-fungal brand in the Philippines.

At sigurado si Marian na totoo ang ini-endorse niya dahil nasubukan na niya.

Biro kay Marian sa grand launch sa Shangri-la The Fort, hindi ba nanligaw sa kanya ang Thai model?

“Naku, sinabi ko agad sa kanya na I’m married and I have a child,” natatawang kuwento ni Marian.

“Nag-stalk yata sa Instagram ko at ipinakita pa niya ang picture naming mag-anak, kung si Dong daw ang husband ko at si Letizia ang daughter ko.  Sabi ko nagsasabi ako ng totoo. 

dantes family

“Mababait ang mga kasama ko sa shoot at nag-enjoy ako.  Yung TVC ipinalalabas na ngayon sa Thailand at susunod dito sa atin then sa ibang Asian countries. 

“Basta, ginagamit ko ito kapag may mga kati-kati akong nararamdaman at kahit kay Zia, ginagamit ko ito dahil hindi ko naman siya pinipigilang maglaro sa labas ng bahay namin.   Sabi ko nga ‘huwag mahiya kasi totoo ka’ kung gumagamit ka ng Canesten.”

Siyempre after the launch ang tanong kay Marian ng media, kung kailan naman nila susundan ni Dingdong si Zia.

“Very soon,” nakangiting sagot ni Marian.

“Basta kapag sure na, sasabihin ko hindi ko ililihim.  Kahit si Zia laging sinasabi I want a baby brother.”

rayver-cruz

Tungkol sa teleserye na gagawin niya. “Nag-decide na kami ni Dong na mauna na siyang gumawa ng teleserye.  Ayaw ko na kasing maulit iyong nangyaring ginawa ko ang ‘Super Ma’am’ at si Dong, may ginawang movie, madalas naiiwan naming mag-isa si Zia, awang-awa ako sa anak namin, kaya ngayon, si Dong muna, saka na ako, siguro next year na iyon, mabait naman sa akin ang GMA Network at naiintindihan nila ako. 

“Kahit iyong offer na movie sa akin para sana sa festival sa December, malamang hindi na rin tuloy, mukhang hindi na kami aabot sa deadline. 

“Happy na ako na mayroon akong ‘Tadhana’ every Saturday at kung Sunday live naman ako sa ‘Sunday PinaSaya’.”

Biniro rin si Marian na type siyang makatambal ng nagbabalik-Kapuso na si Rayver Cruz na bata pa raw siya ay pinapanood na niya ang Marimar.

“Sige, mag-showdown kami sa ‘Sunday PinaSaya’ dahil hindi ba mahusay siyang dancer?  Welcome, Rayver!”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s