Kylie, sobrang saya na nakita na ni Liezl ang apo na si Alas Joaquin

Ni: Ruel Mendoza

MASAYANG-MASAYA si Kylie Padilla dahil sa wakas ay nagkita na rin ang kanyang inang si Liezl Sicangco at ang apo nitong si Alas Joaquin.

Pinost ni Kylie ang maraming photos ng mag-lola sa kanyang Instagram habang nagbabakasyon sila sa isang beach resort noong nakaraang weekend.

View this post on Instagram

Sight of heaven 🥀

A post shared by @ kylienicolepadilla on

Matagal na hindi nakita ni Kylie ang kanyang ina na naka-base sa Australia. Hanggang sa mga photos at video chats lang nakikita at nakakausap ni Liezl ang kanyang apo kay Kylie.

Hanggang sa magbakasyon ng ilang araw sa Pilipinas si Liezl para makasama ang apo at makilala ang daddy ni Alas na si Aljur Abrenica.

Kaya habang nandito pa raw si Liezl, magpapaturo si Kylie kung paano magluto.      Kapampangan kasi si Liezl at noon pa man ay masarap itong magluto ng iba’t ibang putahe na gustong matutunan ni Kylie.

Heto ang pinost ni Kylie sa Instagram:

“I don’t take for granted how lucky I am to still have my mom with me. Seeing her with Alas is like feeling safe. In her hands I know he will be alright and that’s all I could ever want. Ang next mission ko, dapat magpaturo akong magluto sakanya dahil napaka sarap mag luto ng nanay ko. Walang biro. Para ready na talaga for another milestone in my adult life. Lol. Love you ma 🥀 thank you for today… #amotherslove #amothersloveisforever”

Sa pinost na group photo ni Kylie sa IG, makikita na kasama sa kanilang bakasyon ang mga magulang ni Aljur at pati na kapatid nitong si Vin Abrenica at ang girlfriend na si Sophie Albert.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s