Jillian, teenager na at wala siyang masyadong maalala noong five years old

Ni: Ruel Mendoza

CERTIFIED teenager na nga si Jillian Ward kaya iba na ang kilos nito ngayon.

Pati magsalita ay malumanay at maingat na ang dating child actress na unang pinagbida noon sa teleserye na Trudis Liit at sa Krismaserye na Jillian: Namamasko Po.

Ang nakakatawa kay Jillian ay wala raw siyang masyadong maalala sa mga pinaggagawa niya noong 5 years old siya.

Napapanood na lang daw niya sa YouTube ang kakulitan niya noon. Pati mga nagawa niyang mga teleserye at pelikula ay halos ‘di na maalala ni Jillian.

“Gano’n po pala talaga. ‘Yung mga ginawa mo noong bata ka, halos ‘di mo na maalala talaga.

“May konti po akong naaalala na mga ginagawa ko. Pero ‘di ko alam na gano’n pala ako kakulit.

“May mga fans po kasi na minsan tina-tag ako sa pino-post nilang videos at photos. Nagugulat na lang po ako na gano’n pala ako noon,” natatawang pahayag ni Jillian.

JILLIAN WARD 1

Ngayon at 13 years old na siya, naging mahiyain na raw siya at hindi tulad noon na sobrang daldal niya.

“As you grow up po, may mga kilos ka na bigla na lang naiiba. Lalo na po sa akin, babae po ako, kailangan maging maingat din ako. Gano’n din po sa pananamit,” ngiti pa niya.

Hindi pa raw puwedeng tumanggap ng manliligaw si Jillian at ang pag-aaral daw niya ang importante.

Kapag wala raw siyang taping ng My Special Tatay, kunsaan gumaganap siyang stepsister ni Ken Chan, hindi raw siya gumagala sa kung saan-saan at hilig niya ang magbasa at gawin ang kanyang homework.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s