Teresa, pinag-isipang mabuti ang pagre-resign sa trabaho at magbalik showbiz na lang

Ni: Ruel Mendoza

PINAG-ISIPAN daw ng ilang beses ng aktres na si Teresa Loyzaga ang pag-resign nito kanyang trabaho sa Australia para mag-stay na lang rito sa Pilipinas dahil sunud-sunod ang trabaho niya sa TV.

Na-revive ang showbiz career ni Teresa nang bumalik ito sa Pilipinas at lumabas ito agad sa ilang mga teleserye. Ang latest ay ang My Special Tatay na ginagawa niya for GMA-7.

Kaya nag-resign na si Teresa sa kanyang work sa Australia para hindi na siya nakakaramdam ng anumang pressure.

“It’s hard na may iniisip ka na kailangan makabalik ka agad sa trabaho mo or else baka pag-uwi mo wala ka nang babalikan.

“Since naging busy na ako rito, I made that decision to resign and focus on my career here.

“Nandito naman ang anak kong si Diego (Loyzaga) who’s busy as well sa career niya. My other son naman is in Australia at nagtatrabaho naman siya roon,” sey ni Teresa.

TERESA LOYZAGA 4

Bilang single parent, nagawa na raw ni Teresa ang dapat para sa mga anak niya. Proud daw siya na mag-isa niyang napalaki ang mga ito.

“Nasa age na sila that they can make their own decisions na. Ako, as their mother, I will always be there to guide and protect them. As much as possible, ayokong nakikialam sa personal lives nila. Kung ano na lang ikuwento nila sa akin, eh di ‘yun lang ang alam ko,” ngiti pa ni Teresa.

Wala naman daw kahit na anong kontrata si Teresa sa dalawang TV networks, kaya kunsaan may offer, doon siya napapanood.

Isa ring naging dahilan noon ni Teresa kung bakit siya pabalik-balik sa Pilipinas ay para bisitahin ang ama nilang si Caloy Loyzaga noong ma-stroke ito.

Sumakabilang-buhay na si Caloy noong January 2016.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s