Roxanne, aminadong nahihirapang maka-move on sa break-up nila ni Will

Ni: Rose Garcia

SAGLIT lang naming nakausap si Roxanne Barcelo sa presscon ng bagong pelikula nila na Abay Babes ng VIVA Films na mapapanood na sa mga sinehan simula sa September 19.

Nagmamadali na ito dahil may guesting/promo pa sila. Kung pagbabasehan ang trailer ng pelikula nila ng mga sexy VIVA artists na sina Meg Imperial, Kylie Versoza, Nathalie Hart at Cristine Reyes, si Roxanne ang tila pinaka-bida sa kanilang lahat dahil sa premise ng kuwento.

Tuwang-tuwa naman si Roxanne sa opportunity na binigay nga sa kanila ng VIVA. At nakakatawa naman daw talaga ang movie at nagka-bonding silang lahat while shooting.

will-roxanne

Anyway, gusto namin ang pagiging open ni Roxanne. Hindi ito makiyeme kapag tinatanong. After nga ng break-up nila ng ex-boyfriend na si Will Devaughn, aminado ito na hindi naman daw talaga ganun kadaling mag-move-on from their relationship.

Sabi nga niya, “Eh, siyempre, may pinagsamahan kayo, minahal mo yung tao and alam mo ‘yan, para na rin kaming mag-asawa, ‘di ba?

“So okay naman kami, may communication pa rin. I guess, we’re okay, we’re friends.”

Hindi rin daw kasi maiiwasan na hindi sila magkita tulad halimbawa sa mga events. Pero, nilinaw nitong they’re not really together na.

Aminado rin si Roxanne na she goes out on date, pero ganun pa lang daw. Wala pa yung talagang pumasok siyang muli sa isang relationship.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s