Pepe at Ritz, parehong binigyan ng chance na maging bida sa ‘The Hopeful Romantic; trailer nag-viral na umabot sa 9.6 million views

Ni: Rohn Romulo

ANG official trailer ng upcoming sexy romantic comedy film ng The Hopeful Romantic ay nag-viral na dahil umabot na sa 9.6 million views sa Facebook in less than three weeks nang i-launch ito.

As of today, umabot na ang trailer ng more than 108,000 shares, 14,000 positive comments on Good Time Fan Page.

“Ayos ‘yo ah, basta hindi gwapong aktor tapos ganito ‘yung concept na movie, siguradong papatok.”

“Mas gusto ko ganitong movie. Matatawa ka na maiiyak. Mas nakaka-inlove ang ganito at nakaka-excite!”

Pinagbibidahan ito ng theatre/TV/movie actor na si Pepe Herrera at aktres na si Ritz Azul.

ra35

Ihahatid ng The Hopeful Romantic hindi lang entertaining love story, pero aim din nito na ma-impart ang important lesson about love.

Ilo-launch nga si Ritz bilang leading lady sa movie at sobra siyang proud sa ginawa.

“Sobrang proud ako sa pelikulang ito kasi lahat pinaghirapan namin: ng direktor, producers, writers, at syempre co-actors ko na pinagpuyatan.

“Nakailang revisions kami para mapaganda ang story, para maihatid yung message ng story na may matutunan sila. Tsaka maganda ang storya, kapupulutan talaga siya ng aral,” sabi niya.

Marami siyang hinarap na challenges sa movie. Comfortable na siya sa drama, pero susubok naman siya sa comedy sa The Hopeful Romantic.

Kinailangan din niyang magpapayat para maging effective ang pagganap niya bilang sexy gold digger.

“Ang mahirap lang for me, physically, dapat medyo mukhang sexy don sa screen, so nag-struggle din ako to lose weight, kasi sobrang lumaki ako for a while before gawin yung movie,” tugon ni Ritz.

“And then nahirapan ako kasi sobrang kabaligtaran ko ang role sa totoong buhay. Naging kumportable ako sa mga katrabaho ko, kaya napa-swimsuit ako.”

Ang talented singer-actor naman na si Pepe, ay first time na magiging lead star sa isang pelikula, na kailangang mag-explore sa comedy genre through a sexy movie.

ra40

Inamin din ni Pepe na tinaguriang sexy comedian, na na-pressure siya sa pagiging leading man at nagpapasalamat siya kay Ritz na gumaan ang kanyang trabaho.

“Ang masasabi ko po ay lalaki din ako at nakakaramdam ng karupukam. Si Ritz ay very desirable 110%.

“Kasi kinabahan ako nung una dahil sinasabihan ako, ‘Leading man ka na, kailangan tutukan mo yung panunuyo o kung paano tratuhin ang leading ladies.’  Parang siya [Ritz] pa yung gumagawa non para sa kin. Cowboy si Ritz. Hindi siya tipikal na leading lady.

“Sa shooting ka, sanay kasi siya na i-maximize yung oras. Walang nasasayang na oras,”  mahabang pahayag niya.

Mapapanood na ang The Hopeful Romantic sa September 12, 2018. Ang funniest romantic film of the season ay mula sa direksyon ni Topel Lee.

For more updates, follow Regal Entertainment Inc on Facebook, @RegalFilms on Twitter, @RegalFilms50 on IG and Regal Cinema channel on YouTube.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s