Bruno, ayaw pang aminin na si Kate ang bagong nililigawan

Ni: Rose Garcia

VERY happy raw si Bruno Gabriel bilang isang Kapuso.

Dalawang taon na siya sa network at buong ningning nitong sagot sa amin, “Yes, absolutely very happy!”

Kasama si Bruno sa My Special Tatay and although most of his roles are still supporting, wala raw siyang isyu dito.  Pero siyempre raw, gusto rin niyang makagawa ng mga lead roles.

Bukod sa pagiging actor, plano rin ni Bruno na mag-trabaho behind the camera.  Noong college days daw niya sa Ateneo, nakagawa siya ng ilang short films kunsaan siya ang director sa small production nila.

Pero gusto raw niya, pagsabayin if ever, pagiging actor at yung trabaho behind the camera.

Eh, may nabuko kami kay Bruno kaya walang-dudang sobrang happy talaga siya being a Kapuso. Inamin nitong may nililigawan siya na Kapuso.  Pero ayaw nitong pangalanan kung sino.

Ayaw raw niyang ma-pre-empt lalo na at ilang weeks pa lang naman daw  silang nagdi-date.

Pero siyempre, after naming maka-usap si Bruno, we did some research. Kung tama ang nalaman namin, mukhang ang isa sa star ng primetime series na Onanay at isa sa magandang Kapuso ngayon at kade-debut lang na si Kate Valdez ang tinutukoy ni Bruno, huh!

Aminin kaya nilang pareho kapag naka-usap naming muli ang dalawa?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s