Gov. Imee, susuportahan ang campaign na maiproklama sina Nora at Dolphy; pagiging National Artist long overdue na

By: Ricky Calderon

NAKIPAGKITA sa mga members ng entertainment media si Ilocos Norte Governor Imee Marcos kahapon ng umaga.

Ayon kay Gov. Imee, matagal na niyang gustong makahalubilo muli ang mga members of the entertainment press.  Karamihan sa mga ito ay mga baguhan na at di niya inabutan after nila manirahan sa ibang bansa. Ang iba naman na mga old timers na ay kanya pa rin natatandaan.

Ayon sa kaya, susuportahan niya ang campaign para maiproklama na National Artist si Nora Aunor, gayundin si Dolphy.

“It’s long been overdue,” pahayag ng dating national chairman ng Kabataang Barangay noong 1975.

Nora Aunor (5)

Matagal na raw na dapat naiproklama na National Artist si Ate Guy pero naiintindihan daw niya na may prosesong dapat pagdaanan bago ang isang artista ay maipo-proklama bilang Pambansang Alagad ng Sining.    Inamin din niyang she is biased in favor of Ate Guy dahil naging artista nila ito ng Himala na prinodyus ng Experimental Cinema of the Philippines.

Sinabi rin niya na karapat-dapat din na mahirang si Comedy King Dolphy bilang National Artist.

Sinabi rin ni Gov. Imee na dapat na raw i-revise ang batas na nagpapatupad ng MTRCB. Ayon daw sa PD 1986 na nagbuo ng MTRCB, dapat daw self-regulation ang maging function ng MTRCB para sa industriya.     Hindi raw naniniwala ang kanyang yumaong ama  na dapat may censorship. Dapat daw ay self-regulation lamang.

“Maraming dapat baguhin sa PD 1986 dahil noong 1985 pa ito ginawa. Marami na ang naging pagbabago sa film industry since then kaya dapat itong bigyan pansin para makatulong sa lahat ng stakeholders na apektado sa paghina ng movie industry ng Pilipinas,” pahayag pa ng Governor.

dolphy

Sinabi pa niya na dapat bigyan na rin ng atensiyon ang ibang aspeto ng pelikula tulad ng distribution, promotions and sales. Sayang naman daw ang mga magagandang Pinoy movies na nagwawagi ng awards sa abroad pero hindi naman napapanood ng Pinoy audience dito sa bansa.

Wish ni Gov. Imee na sana ay muling maging masigla ang film industry ng Pilipinas at willing siyang makipag-dayalogo sa lahat ng stakeholders para makahanap ng solusyon para tugunan ang problema.

Ayon pa sa kanya, ikinatutuwa ng Ilocos Norte na ang kanilang lugar ay napipili para maging location ng shootings at tapings. Kabilang sa mga programa o pelikula’ng nag-shoot na sa Ilocos ay Panday, Bagani at Goyo. Ang pagiging bahagi ng Ilocos bilang location ng mga teleserye at pelikula ay malaking bagay para ang kanlang lugar ay mas lalo pang makilala ng mga tao.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s