Gelli, balik-Kapuso after eight years at nagulat na napasama sa ‘Ika-5 Utos’

BY:  Rose Garcia

WALONG taon na rin pala ang nakalipas bago nagbalik Kapuso si Gelli de Belen.

At na-realize din nito na sa kanilang tatlo na SIS eh, siya ang huling nagbalik sa Kapuso network.

Nauna na sina Carmina Villarroel at Janice de Belen, although si Janice ay nasa ABS-CBN ngayon, sila naman ni Carmina ang parehong nasa GMA.     Kaya feeling ni Gelli, oo nga’t pare-pareho silang siyempre raw, wish pa rin na makagawa ng mala-Sis pa rin na programa,  parang imposible raw sa ngayon dahil yun nga, si Janice ay nasa kabila.

Makikita naman na masaya si Gelli sa pagbabalik niya sa GMA at sana nga raw, mas magtagal ang pagiging Kapuso niya.

“Let’s see!,” sey niya sa presscon ng bagong  GMA afternoon prime na Ika-5 Utos.

Sabagay, yung mga nasa estado naman na kasi nila, hindi na sila yung governed pa ng mga network contracts. Kumbaga, sila na yung kung saan may trabaho at maganda naman ang materyales eh, ‘di go.

gelli inah jake

Limang taon din si Gelli na naging artist ng TV5 bago siya nag-ABS-CBN for three years.  Dumating daw ang opportunity sa kanya na magbalik Kapuso through Ika-5 Utos nga.

Aminado si Gelli na nagulat siya nang malaman ang material. Obviously, aware ito sa pagka-phenomenal success ng Ika-6 Na Utos.

Kaya nasabi niya raw na, “kaya ba namin?” 

“Ito agad?!”

Pero maganda raw talaga ang premise ng kuwento ng Ika-5 Utos bukod pa sa same director, si Direk Laurice Guillen at same production din sila ngayon ng Ika-6…

Dito rin sila magkakasama sa unang pagkakataon ng pamangkin niya na si Inah de Belen.  At gaganap pang anak niya sa serye ang boyfriend nito na si Jake Vargas na ayon kay Gelli, napaka-tahimik at mahiyain.

Sa Lunes, September 10 na magsisimulang mapanood ang Ika-5 Utos sa GMA afternoon prime.

Kunsaan, kasama rin sa cast sina Jean Garcia, Jeric Gonzales, Antonio Aquitania, Valerie Concepcion, Tonton Gutierrez at Klea Pineda.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s