Dance video ni Lindsay Lohan na ‘The Lilo’, nag-viral

Ni: Ruel Mendoza

NAG-VIRAL ang isang dance video na ginawa ng aktres na si Lindsay Lohan at tinawag niya itong ‘The Lilo.’

Sa naturang video, makikita si Lohan na sumasayaw sa kanyang beach club sa Mykonos, Greece. Ang mga dance moves niya ay hair flips, shimmying, finger snaps at twirling.

Ilang oras pagkatapos na ma-post on video sa social media, nagkaroon na ito ng iba’t ibang memes.

Noong September 3, ilang videos ng kanyang dance ang pinost ni Lohan sa kanyang Instagram at may hashtag ito na #DoTheLilo.

Sinayaw din ng kanyang mga kaibigan na sina Busy Philipps at Kelly Oxford ang #DoTheLilo habang nasa kusina sila.

“@kellyoxford and I are trying our best to give you full Mykonos Lohan this Friday night Honestly, it’s weirdly harder to nail than it seemed. Respect,” post ni Philipps.

Sinubukan din itong sayawin nila Chrissy Teigen at Jenna Dewan.

Epic fail naman daw ang aktres na si Selma Blair nang mag-attempt siya na sayawin ang ‘The Lilo.’

“I tumbled while trying,” post pa niya.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s