Marian, hindi pa preggy pero hopefully ‘very soon’ dahil gusto nang sundan si Zia

Ni: Rohn Romulo

HAPPY si Marian Rivera sa bago niyang endorsement na kung saan siya na ang bagong mukha ng Canesten.

Ayon kay Marian, sinubukan muna niya ang naturang produkto at ipinagtanong din niya sa kanyang mga kaibigan kung ginagamit niya ang kilalang anti-fungal na matagal nang pinagkakatiwalaan.

Inamin ni Marian, sobra siyang sensitive pagdating sa kanyang magandang kutis.  Kahit konting pangangati lang tulad ng kagat ng lamok ay sinubukan niyang gamitin ang Canesten na gawa ng Bayer, ang totoong pamatay ng fungi.

marian-canesten

Hindi pa raw nagkakaroon ng an-an, buni, hadhad at alipunga, dahil sa sobrang ingat nga niya, pero recommended niya ang produkto sa kanyang mga kaibigan at kamag-anak, dahil napatunayan niyang effective.

Anyway, sa launch na ginanap na sa Shangri-La The Fort, nagkapatotoo rin si Marian na kailangan daw niyang kumayod nang kumayod para pag-aaral ni Zia sa mamahaling school at nagpapasalamat siya sa maraming company ang nagtitiwala sa kanya para kunin endorser.

Ayon kay Marian, “Maganda kasi na nagpapakatotoo ka sa sarili mo, yun talaga ang number one na rule sa buhay ko.

“Hindi ko nalalahat, pero sa showbiz kasi minsan takot ang iba na ipakita kung ano ang totoong sila.  Pero ako hindi e, ipapakita ko talaga kung sino ako at wala akong tinatago.

“Very transparent talaga ako sa lahat ng bagay, so perfect for Canesten, kasi wala rin silang tinatago at walang dapat itago.”

Nagkuwento rin si Yan sa mga susunod niyang project.

“Actually, meron akong bagong soap, pero nag-switch kami ni Dong (Dingdong Dantes) at palagi kong pakiusap sa GMA na ‘pag may trabaho ang asawa ko, siya na lang muna, bago ako.

“Kasi ayaw kong iwan ang anak namin, nang wala ang isa amin.  Kasi naranasan namin yan na nagmo-movie siya at nagsu-’Super Ma’am’ ako, parehas kaming wala, naawa ako kay Zia.

“Kaya sabi ko, hindi na mang-yayari yun, kaya ‘pag may trabaho si Dong, hindi muna ako magta-trabaho, I have ‘Sunday PinaSaya’ naman at ‘Tadhana’, tapos may mga endorsements ako, okey na lang muna yun.”

Marian-Rivera

May nagtanong kung bakit ang ganda ng aura niya nang araw na ‘yun, baka preggy na siya.

“Ang answer ko, very soon,” mabilis niyang tugon.

“Basta soon, dahil gustong-gusto na talaga. Kasi ang anak ko magti-three years old, kaya right age na para sundan, kaya samahan n’yo ako mag-pray.”

After ng launch, natanong naman si Marian sa napipintong pagpasok sa pulitika ni Dingdong, ang alam daw niya ay baka nga tumakbo ang asawa.

Pero mas maganda raw na si Dingdong na lang ang tanungin, kung tutuloy ba ito sa pagtakbo o hindi at kung anong posisyon.

Sa pagkakaalam namin, hindi talaga sure si Dingdong, na bising-bisi ngayon sa pagso-shooting ng Fantasstica with Vice Ganda and Richard Gutierrez, nag-start na rin siya ng taping para sa Cain at Abel with Dennis Trillo.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s