Hiro, labis an pagmamahal sa Pilipinas kaya nag-aaral na mag-Tagalog

Ni: Nora Calderon

BOOM ang tourism sa ating bansa, na ayon sa Department of Tourism, umabot sa mahigit na 7 million foreign tourists ang bumisita sa Pilipinas in 2017.

The reason,  maraming Pilipino ang bihasang magsalita ng English, kaya hindi problema ang pakikipag-communicate natin sa mga taga-ibang bansa.

Ito ang isa sa naka-inspire kay Hiro Nishiuchi, isang traveller from Japan na i-explore ang kagandahan ng Pilipinas.  Si Hiro ay isang actress at model sa TV, magazines and advertisements, in Japan and internationally.

Mahilig siyang mag-travel at naigawa na niya ng libro ang mga biyahe niya sa more than 30 countries.  Mahilig siyang mag-scuba diving at kumuha na siya ng license ng pagiging scuba diver.

Nanalong first runner-up si Hiro sa Miss Universe Japan in 2014.  Natutunan ni Hiro ang pag-aalaga sa sarili at mag-inspire sa iba kaya pinalawak niya ang kanyang career internationally.

hiro n

Nang bumisita siya sa Pilipinas in 2014 naging part siya ng promotional activity ng Philippine Department of Tourism kaya narating niya ang Cebu, Bohol, Coron in Palawan, Iloilo at sa Manila.  At lubos niyang nakilala ang kabaitan ng mga Pilipino at ang pagiging hospitable nil nang mag-stay siya sa bansa.  At doon na siya nagsimulang ipakilala ang Pilipinas sa Japanese.

Last June 24, 2018, officially appointed na si Hiro bilang Philippine Tourism Fun Ambassador.

Ang kanyang advocacy is to “Promote Fun in the Philippines through International Conversations” para i-encourage at i-educate ang mga taong makikilala niya saan man siya pumunta sa iba’t ibang lugar ng mundo tungkol sa beauty of the Philippines na kanyang nire-represent. At bilang pagmamahal niya sa Pilipinas, nag-aaral na siyang magsalita ng Tagalog para makapag-communicate din siya sa mga Pinoy.

Beauty at maganda rin ang boses, biniro si Hiro, kung wala siyang balak i-try ang showbusiness dito sa bansa. Ngumiti siya at kung may chance daw.    Ilan sa mga activities na gagawin ni Hiro ay ang fun run sa Cebu at magpa-participate din siya sa isang fashion show sa Japan, na suot niya ang ating Filipina terno na gawa sa pina cloth na habi dito sa ating bansa.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s