FDCP at Intramuros Administration, partners para sa #WeAreIntramuros Film Challenge

Ni: Rohn Romulo

MAY bago na namang partnership ang Film Development Council of the Philippines, this time with the Intramuros Administration na kung saan ni-launch ang #WeAreIntramuros.

Isa itong 24-hour filmmaking challenge na magpo-focus sa cultural awareness sa Filipino values.  Pagsasamahin dito ang film artistry kasama ng appreciation sa heritage and history ng Intramuros.

Sa presscon na ginanap noong August 30 sa FDCP’s Cinematheque Center Manila kasama sina Intramuros Administrator Atty. Guiller Asido at Chairperson Liza Diño, ipinaliwanag ang mga activities na gagawin na ang aim ay i-encourage ang marami pang young filmmakers to explore their creativity and craft.

“This challenge will surely need our filmmakers to be on their toes and make use of every resource and minute that they have.  We look forward to seeing the types of films that they will be coming up with,” pahayag ni Chair Liza.

liza & atty. guiller

Ang goal nito ay maging visible location ang Intramuros sa film or A/V production. Ang historical background at interesting venues na nasa perimeters ng lugar ay inaasahang maha-highlight ng creativity ng mga participants na open sa mga young Filipino aspiring filmmakers sa High School at College sa Maynila.

Ang deadline sa submission ng entries ay sa September 20, 2018 at para sa iba pang detalye, bisitahin lang ang mga social media accounts ng FDCP.

Samantala, inamin ni Liza na matagal pang proseso ang pagdaraanan nila ng asawang si Ice Sequerra, na plano nilang pagkakaroon ng anak, sa pamamagitan ng IVF o Invitro Fertization.

Nabanggit ni Liza na nagpatingin na si Ice sa doctor para malaman kung healthy and fertile ang kanyang eggs na ima-match sa sperm donor at ipa-plant naman sa tummy ni Liza.

aiza & liza1

Mahabang proseso nga ito at malaking halaga rin ang kanilang kakailanganin, kaya kailangang pag-ipunan.

Buti na lang daw at bumalik na uli si Ice sa pagko-concert at pagpo-promote ng album, kahit paano ay bumalik na uli ang kinikita nito.

Dahil din sa pagiging busy ni Liza sa FDCP, na may time na napapabayaan na niya ang kanyang anak, dahil palaging late na siyang nakaka-uwi.  mabuti na lang at naiintindihan naman ito ng kanyang anak.

Pangako ni Chair Liza, na pipilitin na niyang makauwi nang mas maaga para magkaroon sila ng bonding time ng anak.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s