Vina, aminadong hirap sa pagiging kontrabida at tanggap na mas magaling si Shaina

Ni: Rohn Romulo

AMINADO si Vina Morales na hirap na hirap siya sa pagganap bilang Celestina sa afternoon series ng ABS-CBN na Araw Gabi sa tindi ng role na anim na buwan na niyang mahusay na nagagampanan.

“Kailangan kasi nang mataas na energy, palagi kasi akong galit.  After ng mga eksena, parang may masakit sa dibdib ko, kasi nga kontrabida ako.

“After ng 2 a.m. na cut-off ko, kailangan ko pang mag-detach sa character ko.  Kaya bago matulog kailangan kong uminom ng wine o nakikinig ako ng meditation songs.

“Kasi kung hindi ko gagawin ‘yun parang ang bigat-bigat,” pahayag ni Vina nang maka-tsikahan namin sa Shoppesville Greenhills branch ng kanilang Ystilo Salon na nagsi-celebrate na ng 20 years sa beauty salon industry.

Pangalawang beses na niyang gumanap na kontrabida, pero mas matindi talaga ito sa Araw Gabi at tindi nga ng kanyang ginagawa hindi niya maaaring isama ang anak na si Ceanna na 9 years old na pala at lumalaki ring maganda at maganda rin daw ang boses.

Kahit alam ng anak na trabaho lang yun at umaarte lang sa teleserye, hindi pa rin niya ipinapanood sa anak, dahil hindi nga bagay ito sa mga bata, lalo na kapag nagpi-flirt siya kina Raymond Bagatsing at Victor Silayan.

IMG_0987

At dahil sa teleserye, hindi nga siya makatanggap ng ibang raket lalo na kung sa ibang bansa, pero kung dito lang sa naman ay pinapatulan pa rin niya na mag-show lalo na sa mga piyesta na patuloy siyang kinukuha, dahil free naman siya pag-T-TH-S, dahil M-W-F naman ang taping niya at pag Sunday inilalaan naman niya sa kanyang anak at kapamilya.

Happy naman si Vina sa takbo ng buhay niya ngayon, kahit na nananatili siyang single, dahil may anak naman siya.

Pero siyempre, naghihintay pa rin siya ng right guy na gusto niyang makasama sa kanyang pagtanda.  Ipinapaalam naman niya sa kanyang anak na gusto niyang magkaroon ng asawa at anak, na gusto raw na magkaroon ng baby sister.

Aminado si Vina na mapili siya sa mga nakaka-date niya, na usually na pinakikilala ng kanyang mga kaibigan.

Ang problema lang hindi sila makaligaw, dahil kailangan pa siyang dayuhin sa Batangas na kung saan doon nagti-taping ang Araw Gabi.

Inamin din ni Vina na may nagpaparamdam sa kanya thru text na mas batang artista, yun late 20s, pero hindi niya type i-date, mas gusto pa rin niya ang medyo malapit sa edad niya, kahit mas younger at hanggang maaari ay hindi artista.

Sa twenty years ng Ystilo Salon meron na itong mahigit na 20 branches and soon mag-o-open nsa sa Sta. Lucia at Marquee Mall.

Open pa rin for francshise at pwedeng tumawag sa 927-7532/415-0222 o 0917-3124210 at mag-email sa franchise@ystilosalon.com.ph.              Ang kanyang mga kapatid na sina Sheila at Sheryll Magdayao ang nagma-manage ng salon business na dahilan kung bakit sila naging matagumpay sa buong bansa.

At para sa kanilang 20th anniversary may bonggang promo at pa-thank you sila sa loyal clients: 50% off from Sept. 18 to 20, 30% off sa Sept. 8 to Oct. 31 at 20% off from Sept. 8 to Nov. 30, sa kanilang standard and premium services.

Mag-iikot din si Vina  sa mga branches sa buong bansa, na isisingit niya sa taping ng kanyang teleserye.

Anyway, maging ang nakababata niyang kapatid na si Shaina Magdayao na image model din tulad niya at para younger generation ng Ystilo patrons, ay hinahangaan rin sa pagiging kontrabida sa Asintado na ka-back-to-back ng Araw Gabi.

“Oo nga eh, magkasunod pa kami kaya napapanood ko rin siya. Si Shaina nga lang, bumabait na ang character samantalang si Celestina mas nagiging bad pa.

“Pero okey lang sa akin, na mas magaling siya, why not, ang galing-galing talaga rin niyang mag-kontrabida,” pahayag pa ni Vina, na tulad niya ay single pa rin si Shaina at nahihirapan ding makatagpo ng right guy.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s