‘M Butterfly’, teaser pa lang pasabog na at balitang all-out ang hubaran kaya R-18

Ni: Rose Garcia

PASABOG talaga ang M Butterfly in Manila.

Teaser pa lang, iba na ang dating.

Eh, may chika pa na this time all-out hubaran na raw talaga ang bida ng play na si RS Francisco.

“Inaabangan niyo ba? Gawin na natin ngayon! Ha ha ha!,” natatawang biro niya.

“Pero sinasabi nila na M Butterfly 2.0 talaga,” sey niya.

At sa mga nakapanood nga raw dati, ibang-iba talaga ang mapapanood ngayon sa character niya bilang si Song Liling.

INGENUE BY RAYMUND ISAAC

R-18 naman daw talaga ang M Butterfly. Pero hindi niya ma-divulge ang talagang mangyayari o mapapanood simula sa September 13 sa Maybank Performing Arts Theater, BGC.

Isa si RS sa mga maituturing na inspirasyon, hindi lang ng mga beki kung hindi ng lahat ng tao how kung paano siya ngayon.

Pareho ng matanda ang mga magulang ni RS, pero ang Mommy niya raw ay very, very proud sa kanya at manonood nga kasama ang mga ka-mahjong nito sa play.

Kilalang matalik na kaibigan ni RS si Gretchen Barretto. Pero nangiti lang ito at sinabing, she will support when asked kung ilang show na ang binili ni Greta.

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s