Tambalang Ritz at Pepe, mala-‘Kita Kita’ nina Alessandra at Empoy

Ni:  Rose Garcia

WALANG ibang maiisip sa tambalang Ritz Azul at Pepe Herrera kung hindi isang experimental movie na mala-Kita Kita noon nina Empoy Marquez at Alessandra de Rossi.

This time, produced ng Regal Films ang The Hopeful Romantic na opposite ang characters nina Ritz at Pepe. Ang gusto ni Ritz, mayamang lalaki without knowing, nauwi siya sa isang valet parking attendant na character naman ni Pepe.

At kung dati-rati, si Ritz ang kabado tuwing may love scene, bed scene o kissing scene, ngayon daw, naaliw si Ritz kay Pepe na sobrang nangingingig sa bed scene nila at kabadong-kabado.

PEPE RITZ TOPEL

First time ni Pepe na magka-bed scene and of course, first time rin ni Pepe na maging bida sa isang mainstream movie. Noong malaman daw niya na si Ritz ang leading lady niya, sobra raw siyang natuwa, wala raw halong etchos.

Kuwento pa ni Pepe, “Nakasama ko na siya sa ‘Ang Probinsyano’ and kahit tanungin niyo si Ritz, sinasabi ko sa kanya, isa siya sa mga artistang maganda talaga with or without make-up.”

Isa sa mahusay na actor si Pepe, aliw kami sa kanyang magpatawa dahil napaka-natural.  Kaya panonoorin namin ‘tong The Hopeful Romantic at sana, tulad ng Kita Kita, kumita rin talaga ito sa takilya.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s