Paolo, naghihintay pa ng final decision sa annulment nila ni Lian; LJ, hindi pa puwedeng pakasalan

Ni: Ruel Mendoza

DAHIL sa balitang buntis na si LJ Reyes courtesy of actor-boyfriend Paolo Contis, maraming netizens ang nagtatanong kung mapapakasalan ba nito ang Kapuso actress dahil hindi pa ito annulled sa kasal nito sa former EB Babe na si Lian Paz kung kanino meron siyang dalawang anak.

Sa isang interview ni Paolo, sinabi nito na wala pa ring final decision ang korte ukol sa annulment nila ni Lian.

“My case is still ongoing. Sa atin we have to respect our law and yung way ng court natin. Sometimes we have to wait longer,” diin pa ni Paolo.

Sa Cebu na naka-base ang estranged wife ni Paolo kasama ang dalawang anak nila. Meron na raw itong sariling pamilya.

PAOLO-AT-LJ

Plano ni Paolo na siya mismo ang magbalita sa dalawang anak niya na magkakaroon na sila ng bagong kapatid.

“Ako I would like to tell my kids personally if ever. I hope I would be able to visit them in Cebu soon and talk to them about it,” ngiti pa ni Paolo.

Noong 2010 kinasal si Paolo kay Lian at naghiwalay sila noong 2012.

Ayon sa isang interview ni Lian, ang dahilan ng paghihiwalay nila ay may kinalaman sa financial status nila. Hindi raw marunong si Paolo na hawakan ng maayos ang mga kinikita nitong pera.

Gusto raw tumulong ni Lian para makaluwag sila sa buhay at mabigay ang mga pangangailangan ng dalawang anak nila, pero hindi raw siya pinayagan ni Paolo na magtrabaho.

Isa pa raw dahilan kung bakit sila ng hiwalay ay dahil din sa isang babae. Non-showbiz girl daw ito pero ‘di raw ito nakilala ni Lian ng personal.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s