‘Goyo’, hindi dapat palampasin; napakahusay ng direksyon at pagganap ng buong cast

Ni: Ricky Calderon

WATCHING Goyo: Ang Batang Heneral is an experience na hindi dapat palampasin. It is a must watch movie!

Naimbita kami sa gala premiere ng Goyo na ginanap sa SM Megamall noong Huwebes and we enjoyed watching the film.

Maganda ang pelikula, Magaling ang pagkakadirek ni Jerrold Tarog. Mahusay ang pagganap ng mga artista, led by Paulo Avelino at Gwen Zamora. It was ensemble acting at its best.

goyo cast

Sa panonood ng pelikula, dapat maging bukas ang iyong pag-iisip. Kalimutan mo na ang gumawa ng Goyo ay ang director ng Heneral Luna. Iwaksi mo sa isip ang Heneral Luna and treat Goyo as a cinematic gem.

Medyo may kabagalan ang daloy ng pelikula pero ang maganda sa Goyo ay ‘yung binibigyan niya ng panahon ang audience na mag-isip as the movie unfolds.

Dapat pakinggang mabuti ang mga dayalogo dahil nakapaloob doon ang mas malalim na mensahe ng pelikula. Hindi lang ito basta kuwento lang ng isang batang heneral kundi ng kasaysayan ng ating bansa.

Kung paanong ang mga nakaraan sa ating kasaysayan ay humubog sa atin bilang tao at bilang isang bansa. Maaring sa viewing ay di agad ito ma-appreciate dahil sa mabagal na editing pero sa ganang amin, it was just right. Kasi instrospective ang treatment na ginawa ni direk Jerrold sa kwento ni Goyo.

goyo-paulo

Mahusay si Paulo bilang Goyo. Nakuha niya ang yabang at stance ng isang magiting na heneral. Pero naroon din ang pagiging vulnerable at ang takot sa kapalaran na naghihintay sa kanya.

Ipinakita sa Goyo na ang ating mga bayani ay mga ordinaryong tao rin tulad natin na flawed at may kahinaan din.

We definitely recommend sa lahat na panoorin ang Goyo: Ang Batang Heneral and cherish the experience inside the cinema.

It is definitely worth your hard-earned money. Wish namin na kumita ang Goyo para patuloy na maging inspirado ang TBA Productions ng mga de-kalidad na pelikula para sa mga Pilipino.

Showing na ang Goyo: Ang Batang Heneral sa mga sinehan on September 5.

Star-Magic-Ball

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s