Winwyn, nag-back out sa ‘Pamilya Roces’ dahil ‘di pa ready sa mga sensitive scenes

Ni: Ruel Mendoza

NAG-BACK OUT  na pala si Reina Hispanoamericana 2017 Winwyn Marquez sa GMA-7 teleserye na Pamilya Roces.

Ayon kay Winwyn ay may mga sensitibong eksena raw sa naturang teleserye na hindi pa siya prepared na gawin. Kaya minabuti na raw niyang mag-backout sa project.

“Ayaw ko kasi sanang pangunahan sila. Pero hindi na nga po ako kasama dun sa Pamilya Roces.

“Meron kasing scenes na medyo sensitive nang konti na hindi siya in line sa dapat kong gawin. So we have to wait for the right project,” pagkumpirma pa ni Winwyn.

Nanghinayang din ang actress-turned-beauty queen sa pag-backout niya sa project at sa pagkakataong makatrabaho si Direk Joel Lamangan. Mabuti na lang daw at ‘di pa siya nakakapag-taping ng mga eksena niya.

“I felt sad, siyempre excited ako na maka-work si Direk Joel.

“Nakausap ko naman siya, naintindihan naman ni Direk Joel, naintindihan naman ng buong production, and I’m very happy na walang bad blood or anything.

“Buti na lang, hindi pa ako nag-cause ng kahit na anong delay sa kanila kasi hindi pa talaga ako nagdi-day one,” diin pa niya.

May advocacy kasi si Winwyn para sa mga bata. Tumutulong siya sa ilang communities para sa pag-distribute ng mga libro para sa maayos na edukasyon ng mga bata ng iba’t ibang distrito.

“Hanggang ngayon kasi, siyempre lalo na nagtuturo ako ng mga bata, ang advocacy ko sa kids.

“So, may limitations ako… Lalo na sa TV, kasi every day napapanood, e. Hindi naman yung parang movie na one time lang siya, e. Eto kasi, TV, kailangan safe kami sa pagpili kung ano ang gagawin namin. 

“Ngayon ay tuluy-tuloy pa rin yung community engagement program ko.

“‘Yung last ko, nandun ako sa Noveleta, Cavite. Nagbigay kami ng 200 books sa dalawang school dun. Nag-book reading kami. Nagbigay kami ng mga tsinelas.

“Parang one big party educational party for kids. Yun ang ginagawa ko ngayon, tuluy-tuloy naman siya,” pagtatapos pa ni Winwyn Marquez.

View this post on Instagram

Will always find time to do this. 2 school ang nabisita namin sa Noveleta, Cavite at maraming salamat po sa mga magulang, guro, mga estudyante at sa lahat ng mga taga noveleta sa napaka init ng tanggap saamin. kahit biglang bumuhos ang ulan tuloy padin lahat at nagawan ng paraan! Walng pagod na naramdaman! ❤️ • • Thank JCI Asinderas at ibang JCI, Tita Ailyn, @krinkles8 @frostsky1990, @followmie, @povtagph, and Mason sa pag tulong po sa community engagement program! Besides our story telling and mini program for the kids around 500 books were donated, 100+ bags, more than 200 slippers, and 500 juices were also donated that day! God is Good! Maraming salamat sa lahat ng tumulong!❤️❤️ • Please follow my fan page on FB to know more about this! #ReinaTeresita

A post shared by Teresita Ssen Winwyn Marquez (@teresitassen) on

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s