Sharon, humihingi ng dasal dahil gustong maging healthy and well sa 40th anniversary concert

Ni: Ricky Calderon

MAY mga posting si Megastar Sharon Cuneta sa Instagram na humihingi siya ng dasal dahil siya ay may sakit.

May mga araw na hindi maganda ang kanyang pakiramdam at siyempre worried si Sharon dahil gusto niyang maging healthy and well sa kanyang 40th anniversary concert sa Smart Araneta Coliseum sa September 28.

Special ang araw na ito for Sharon dahil magbabalik-tanaw siya sa showbiz na naging bahagi ng buhay niya as a singer and as an actress.

Maraming special musical numbers na inihahanda si Sharon at ang kanyang production team to make sure isang night to remember ang celebration ng kanyang 40th anniversary.

Mas magiging memorable siyempre ito sa suporta ng kanyang fans na nag-iipon ng pera para makabili ng ticket. Panay ang panawagan ng mga fans ni Mega sa social media na sana ay suportahan nila ang concert ng kanilang idolo.

Ayaw pang i-reveal ng Team Mega kung sino ang kanilang magiging mga guests sa anniversary concert ni Sharon pero tiyak daw na sulit na sulit ang ibabayad ninyo sa ticket.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s