Sarah, muling pinatunayan ang box-office record sa ‘Miss Granny’

Ni: Rose Garcia

MULING pinatunayan ni Sarah Geronimo ang box-office record niya sa pelikulang Miss Granny.

Kahit na wala siyang known ka-loveteam sa movie, humamig na ng 85 million sa box-office on its first week run ang Korean adaptation movie na ito ng VIVA Films.

Nakapagtala rin ng highest day gross among her movies si Sarah noong Linggo dahil sa 20 million na kinita nito sa loob lang ng isang araw.

Walang duda, naging napakalaking tulong ng mga good reviews as in, halos lahat yata ng mga nabasa namin ay positibo ang review sa Miss Granny, lalo na sa ipinamalas na pag-arte ni Sarah.

sarah g

Personally, nagustuhan talaga namin kung paano ito in-execute on a Pinoy touch ni Direk Joyce Bernal at para sa amin, this is Sarah’s best. Na sana pagdating ng award season ay makasungkit naman siya ng Best Actress trophy.

Anyway, ngayong Linggo nga raw na ito magkakaalaman kung masu-sustain ng Miss Granny ang box-office record nito dahil sa malakas din ang pelikula nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla the The Hows of Us.

Tingin namin, parehong tatangkilikin pa rin ng mga manonood ang dalawang movies na nakakatuwa dahil parehong local mainstream at quality talaga.

miss granny

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s