Marlo, tuloy ang buhay kahit nasa coping stage pa sa pagkawala ng ina

Ni: Rose Garcia

TULOY ang buhay para kay Marlo Mortel.

Although aminado itong nasa coping stage pa, pero nagpapasalamat daw siya na sunod-sunod ang trabaho niya.

Mas kailangan daw niyang maging busy sa trabaho sa pagkawala ng ina.

Nakausap namin si Marlo sa ginanap na premiere night ng Petmalu na showing na sa September 5. It happened day after na ma-cremate ang Mommy niya, pero dumating na ito sa premiere at hindi na binigyan ang sarili ng panahon na magpahinga o mag-mourn muna.

Feeling niya raw, hinanda na talaga na marami siyang trabaho ngayon. May Ang Probinsyano siya, kaka-release ng bago niyang single at may concert.

Nalulungkot lang siya na hindi na naabutan ng Mommy niya ang lahat ng ito. Humanga kami kay Marlo dahil mabuti itong anak. Isang anak lang siya at bukod-tanging nagta-trabaho.

Simula raw nang mag-artista siya, siya na ang naging breadwinner. At dahil nagkasakit ang Mommy niya, wala raw siyang naging savings pero thankful siya na hindi raw siya dahil may naging pang-sustain siya sa sakit ng Mommy niya.

Sa ngayon, inaalala ni Marlo ang Daddy niya na mas hirap pa raw na tanggaping wala na nga ang Mommy niya.

Magsisimula pa lang din daw silang mag-adjust ng Daddy niya na silang dalawa na lang.
Anyway, hindi lang pala kami, kahit mga co-stars ni Marlo sa movie na Petmalu ay naantig dahil yung ilang scene ni Marlo parang maaalala talaga ang pinagdaanan nito. Karamihan pa ng scene niya, with Irma Adlawan na Nanay niya.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s