Ken, natawa lang sa tsika na nakita nakikipaghalikan sa kapwa-lalaki

Ni: Ruel Mendoza

NATAWA lang ang bida ng upcoming GMA teleserye na My Special Tatay na si Ken Chan tungkol sa kumalat na tsismis na nakita siyang nakikipaghalikan sa kapwa niya lalake sa isang bar sa BCG.

Nagulat si Ken nang biglang itanong sa kanya ang tungkol sa eksenang iyon. Ang kahalikan pa raw ng aktor ay isang kilalang male model.

“Bakit ko naman po gagawin iyon? Hindi po puwedeng mangyari iyon.

“May nagsabi na po sa akin tungkol diyan, pero natawa lang po talaga ako.

“Kasi bakit ko gagawin ang gano’n in public? I mean, kahit papa’no po ay may makakakilala sa akin.

“Tsaka, never ko po talagang gagawin ‘yan,” diin pa ni Ken.

KEN CHAN 6 (1)

Naisip ni Ken na baka ang tinutukoy sa naturang tsimis ay ang minsang nag-taping sila ng pinagbidahan niyang teleserye na Destiny Rose sa isang bar sa BGC.

“Yun lang po kasi ang naiisip kong time na nakipaghalikan ako sa isang guy. Eksena lang iyon sa Destiny Rose. Baka ‘yun ‘yon.

“Kung binibigyan nila ng malisya ‘yon, trabaho lang po iyon.

“Kilala ko po ang sarili ko. Mga taong kilala ako, alam nila na hindi ko magagawa iyon.

“Hanggang wala silang maipakitang proof na ginawa ko iyon, malinis ang konsensya ko.

“Kung totoong ako iyon, sana may nakuha ng photo or video namin since lahat naman ng tao may smart phone, ‘di po ba?

“So kung walang proof, I have nothing to worry about,” pagtanggol pa ni Ken sa sarili.

Sa totoo lang daw ay manhid na si Ken sa mga pinaparatang sa kanya na isa siyang gay. Marunong na ang aktor na dedmahin ang mga mean comments sa kanya sa social media.

“Pinagpe-pray ko na lang sila. Kasi kung sasagutin pa natin sila, parang ako rin ang matatalo. Walang nananalo sa mga bashers kasi ang manira lang ang tanging gusto nilang gawin.

“Thankful na lang po ako kasi nabibiyayaan tayo ni Lord. At itong ‘My Special Tatay’, para ito sa tunay kong ama na may pinagdaraanan ngayon na karamdaman.

“Please help me pray na gumaling na po siya ng tuluyan,” pakiusap ni Ken Chan.

Magsisimula na sa September ang chemotherapy ng ama ni Ken pagkatapos itong ma-diagnose with stage 2 esophageal cancer.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s