Daniel at Kathryn, nag-level up na at bumigay sa kissing scenes sa blockbuster na ‘The Hows Of Us’

Ni: Rohn Romulo

IBA talaga kapag magka-relasyon ang magka-eksena sa isang pelikulang tulad nang pinag-uusapan at pinipilahan na The How Of Us na pinagbibidahan ng reel and real tandem nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Level up na talaga ang KathNiel, na kung saan pinagsaluhan nila sa pelikula ang matatamis na mga halik at hindi na sila nagkahiyaan.

Ramdam na ramdam namin ang maturity ng dalawa sa pagganap sa kani-kanilang roles, na talaga naman tumagos sa aming puso’t-isipan, na kahit hindi ayaw namin, ay kusa na lang tumulo ang aming luha sa magkabilang mata.

Nakita namin na hindi pilit ang ginawang pag-arte nina Kathryn at Daniel sa pelikulang nakahusay na nailahad ni Direk Cathy Garcia-Molina, na pinatunayan na naman ang pagiging box-office direktor, dahil sa unang araw pa lang ay pinilahan na ito ng mga manonood kaya kumita na ito ng P36 million.

May isang eksena na na parang nang-aakit at nagpapa-sexy si Kathryn, na ginantihan naman ni Daniel sa kanyang pagpapaka-yummy.  Ang sarap-sarap nilang panoorin on screen, dahil ramdam mo bigay na bigay sila sa mga eksena, walang ilangan at higit sa lahat mapi-feel mo kung gaano nila kamahal ang isa’t-isa

Tapos na nga ang pagpapa-tweetums ng KathNiel, dahil sa edad nila ngayon at nanatiling maganda ang kanilang relasyon, bumagay talaga sa kanila ang kaunting pagma-mature sa pelikula, na nagustuhan naman ng manonood.

Imagine, tinalo na talaga ni Kathryn si Sarah Geronimo, na big ‘no’-‘no’ pa rin na makipag-kissing scene sa movie.      Pero si Kathryn naitawid nang maayos ang mga eksena, dahil nga ang boyfriend na si Daniel ang kasama.  Naipakita rin ni Kathryn na nag-improve na talaga ang kanyang pag-arte, na mas matindi na kumpara sa ginawa niya sa Barcelona.

Natuwa rin kami sa bonus ng The Hows Of Us, na kailangang mag-shooting sa ilang bahagi ng Amsterdam sa bansang The Netherlands, na may kinalaman naman talaga sa istorya ng pelikula.

Na dahil sa pelikula, ay parang gusto naming pangarapin na makapunta rin sa naturang lugar.

Natuwa rin kami sa pagiging sa role ni Ria Atayde bilang bestfriend ni Kathryn, totoo nga na nakadagdag siya ng buhay sa mga eksena.

Guwapong-guwapo naman kami kay Kit Thompson bumagay sa kanya ang may bigote at balbas, kaya lalo na nagmukhang foreign actor.

Congrats sa Star Cinema at sa bumubuo ng The Hows Of Us, dahil minsan pa, pinatunayan nina Kathryn at Daniel ang lakas nila sa takilya.

Anyway, tuwang-tuwa rin kami na makita ang iba’t-ibang international posters nang napakagandang pelikula, bukod pa yun ginawa ng mga fans para sa kabi-kabilang block screenings.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s