Lexi, dinalaw sina Alden at Kristoffer sa set ng ‘Victor Magtanggol’, nagkaroon ng mini-reunion

Ni: Ruel Mendoza

NAGKAROON nang isang mini-reunion sa set ng Victor Magtanggol nang bumisita ang dating co-star nila Alden Richards at Kristoffer Martin sa Tween Hearts na si Lexi Fernandez.

Si Lexi ay anak ni Maritoni Fernandez na kasama sa cast ng Victor Magtanggol.

Tinalikuran ni Lexi ang showbiz dahil mas pinili nitong tapusin ang kanyang pag-aaral. At para na rin makaiwas sa naaramdaman niya noon na anxiety at depression.

Huling napanood si Lexi ay noong 2013 pa sa teleserye na Kakambal Ni Eliana.

Natuwa sina Alden at Kristoffer dahil matagal na nilang hindi nakakasama si Lexi, pero panay naman ang kumustahan nila via social media.

Ikinatuwa naman ni Maritoni ang pagkikita ng tatlo dahil saksi ang aktres sa pagiging magkaibigan ng mga ito noong magkakasama pa sila sa Tween Hearts.

Ngayon ay matured na silang lahat at may kanya-kanya nang direksyon ang mga career.

Heto ang post ni Maritoni sa kanyang IG account: “Mini reunion of the ‘Tween Hearts’. @leximalvarez1 came to visit her friends tonight and watching them together brought so much joy to my heart. How much you have all grown, matured and developed into such amazing human beings. I feel so proud of the three of you. Stay friends always my loves. Life will bring many changes but true friendship is an anchor you must treasure and value above all things in life. Boys, you’ll always have a Mom in me….always. ❤️🙏🏻🌸 #tweenhearts #mybigbabies #proudmommoment #friendsforlife #anglalakiniyona #angtandakona”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s