Zeus, tutok muna sa career at saka na lang ang lovelife

Ni: Dominic Rea

NATAWA nalang ako kay Zeus Collins, ang lalakeng pantasya ng kababaihan, matrona at kabaklaan sa pelikulang Wander Bra ni Direk Joven Tan na showing na ngayong September 12 in cinemas nationwide from Blue Rock Entertainment nang walang kiyeme nitong sinabing may pabakat naman si Mayor nang kunan diumano ang isang eksena niya sa sapa para sa pelikula.

Palaban si Zeus at game na game sagutin ang mga seksing tanong sa kanya ng entertainment media huh!

In fairness naman kasi kay Zeus, gandang lalake at alam naman nating kahit noong nasa loob palang siya ng bahay ni Kuya ang PBB House ay marami na ang nakapansin sa kanyang kaseksihan. Pantasya naman talaga siya ng karamihang bading na feeling ko ay maglaway na lang tayo!

wander bra

Anyways, si Zeus ang gaganap na lalakeng inspirasyon nina Kakai Bautista at Myrtel Saroza sa Wander Bra na most of the scenes ay sa parteng Cavite pa kinunan ni Direk Joven na hindi rin maiwasang purihin ang dunong ni Zeus pagdating sa pag-arte. Hindi rin daw ito pahuhuli huh!   Pero wait. Kamusta naman ang lovelife niya?

“Wala po eh! Tutok po talaga ako ngayon, simula pa naman po sa career ko kasi ang dami ko pa pong gustong gawin sa buhay ko at sa buong family ko dahil alam niyo naman po kung anong sistema ng buhay namin dati.    “So, inaayos kopo lahat. Gusto ko po talagang maging maganda rin ang buhay namin. Kaya doon po muna ang concentration ko ngayon. Saka na lang ang lovelife. Nandiyan lang yan. Saka na! ” aniyang bulalas namang tugon sa amin.

Kung sa bagay, kasabihan nga sa showbiz na strike while the iron still hot! Tama ba ako Zeus?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s