Ken, nagulat at kinabahan nang makita ang mga makakasama sa demolition scene

Ni: Nora V. Calderon

NAGULAT si Ken Chan nang mag-report siya sa taping ng bago niyang afternoon serye na My Special Tatay na ang daming tao sa location.

Hindi niya akalaing ganoong karami ang makakasama nila sa demolition scene sa location.  Sa pagtatanong nalaman niyang 500 katao ang aarte sa demolition scene na ipinakita nila ang video ng paluan, tadyakan, suntukan at iba pang sakitan ng mga taong involved sa eksena.

“Kinabahan po ako nang makita ko ang daming tao, nandoon din ang buong cast ng serye namin, dahil ipalalabas po ito sa pilot week namin simula sa September,” paliwanag ni Ken.

“Ako po rito si Boyet, isang lalaking may intellectual disability na magiging ama. Sana po ay panoorin nyo kami, dahil isa na namang naiibang advocacy serye ito ng GMA.”

Ang My Special Tatay ay muling pagtatambalan nina Ken at Arra San Agustin, kasama pa rin sina Jillian Ward, Bruno Gabriel, Carmen Soriano, Teresa Loyzaga, Candy Pangilinan, Lilet Sebastian, sa diresyon ni LA Madridejos at sila ang papalit sa matatapos nang Hindi Ko Kayang Iwan Ka sa August 31, 2018.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s