Julia at Joshua, nananatiling humble kahit inuulan ng mga papuri

Ni: Dominic Rea

PAGKATAPOS tumabo sa takilya ang apat na pelikulang pinagsamahan nila, finally ay making waves na ngayon sa Kapamilya Primetime Bida ang kauna-unahang tv series ng tambalang JoshLia o loveteam nina Joshua Garcia at Julia Baretto under Star Creatives.

Last Monday, sa pilot airing nito, tumabo sa ratings ang serye nila na Ngayong at Kailanman sa 31.2 % at nitong araw ng Martes ay nakakuha pa rin ito ng 30.5 % ratings!

Patunay lang na kung minahal natin ang JoshLia sa pelikula, heto ang ebidensiyang umpisa na ring mamahalin sila sa mukha ng telebisyon.

Napaka-humble ng dalawang ito. Kahit sabihin mong magagaling silang umarte, hindi mo sila makitaan ng angas ng kayabangan huh!

During the pilot viewing namin last monday na ginanap sa Dolphy Theatre ay nakasalimuha namin ang dalawa kasama ang mga de-kalibreng stars ng serye.

ngayon-at-kailanman-joshlia

Wala lang. Parang barkada lang kaming lahat. Kaya naman that night after the said viewing ay kaagad namang nagbigay ng kanilang pasasalamat ang dalawa sa mga nanonood sa kanila.

Ang nakakaloka ay humataw rin sa social media ang suporta sa kanilang dalawa ng kapwa nilang artista huh! Well, sabi nga nila, mabibigat na aktor ang nasa serye kaya naging kasabihan sa kanilang bawal sa serye ang hindi marunong umarte noh!       Well, isa lang naman ang mukhang baguhan sa pag-arte sa seryeng ito. Ito ay si Joao Constancio na kilalang miyembro ng Boyband PH. Pero ayon na rin sa mga co-actors ni Joao, baguhang kapag nahasa pa ay malayo rin ang mararating!

Ayan Joao huh! Bumawi na ako! Huwag na ikaw tampo!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s