Benj, tuwang-tuwa sa mga pinaglilihian na pagkain ni Rich

Ni: Ruel Mendoza

NASA paglilihi stage na si Rich Asuncion kaya mahilig daw itong kumain ng mga gusto niya.

Natutuwa ang kanyang mister, ang Philippine Volcanoes rugby player na si Benj Mudie dahil sa mga pinaglilihian na pagkain ni Rich.

Sa isang post ni Benj noong nakaraang August 16 sa Instagram, kinunan niya ng series of photos si Rich habang bumibili ito ng pagkain na pinaglilihian niya ngayon sa isang nagtitinda sa bangketa.

“Paglilihi. Happy wife, happy life #mudsquad #asawang #mygirlontv #stolenshot #pregnantproblems,” caption pa ni Benj.

Si Rich na mismo ang sumagot sa mga tanong kung ano ‘yung binibili niya na pagkain. Ito raw ay Shakoy, isang locally made na twisted dough nut.

Ang ingredients ng Shakoy ay braided wheat or glutinous rice flour at dine-deep-fry ito.

In Korea, ang tawag dito ay kkwabaegi, pero sa Pilipinas, mas kilala ito bilang shakoy.

Pero bilib naman si Benj dahil kahit na may mga cravings si Rich, alaga pa rin daw nito ang kanyang timbang at may ginagawa ring sariling diet food ito.

Pinost ni Benj noong nakaraang August 14 ang pag-prepare ni Rich ng vegetable diet nito:

“That look she gives when she’s working hard and you’re hardly working… 👀#momdaymotivation . Interesting fact: this gorgeous woman is the same weight now as she was before she was pregnant due to body fat loss. This is mainly due to her cleaning up her diet for the health of our baby 👶 Salute to Mum’s out there that sacrifice their body and lifestyles for the sake of their kids while the Dads are just there for the fun part 😂 . how can I match her efforts? 🤔 #mudsquad #simplengbuhay #marriedlife”

Noong May 2018 naganap ang civil wedding ng dalawa sa Hong Kong after mag-propose ni Benj kay Rich noong April 2017.

Nitong July 31 lamang kinumpirma ng mag-asawa na may baby on the way na sila.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s